Personally, it take a lot for me to say na ang isang tao ay kaibigan ko. Hindi acquaintance o basta-bastang kakilala lang, kundi kaibigan.
Kaibigan talaga na someone you share a beautiful thing with called friendship. Kaibigan na kasama mo pag ikaw ay may mga problema o suliranin.
Kaibigan na sasabihin sa iyo kung ano ang dapat mong marinig at hindi ang gusto mong marinig.
Bihira nalang ang mga kaibigang hindi nang-iiwan at ito sila, oo sila, silang mga kaibigan na kalog at walang masabing matino. Sila ang masasabi kong tunay na kaibigan.