Hanggang Iyak nalang ba ako?
Pagkatapos ng masakitang hiwalayan
Palagi nalang na aalala ang nakaraan
Ala-ala na kay sarap balik-balikan
Yung kahit saan tayo pumunta ay ating tahanan
Paano ba mabuhay na wala ka?
Kahit wala na tayo Ikaw pa rin ang bida
Hiwalay na tayo ba't ganon mahal pa rin kita
May iba kana bakit Ikaw ang palaging sinisinta
Naisip ko na siraan yang mahal mo
Para magkabalikan ang dating tayo
Gagawin lahat masira lang ang relasyon nyo
Pero mahal kita ayokong masaktan kita dahil sa ginawa ko
Sana hindi nalang kita binitawan
Ang sakit pag nakitang bewang nya'y iyong hinahawakan
Naglalambingan sabay naghahalikan
Mamatay na sana tong puso kong sayo lang nakalaan
Hanggang Iyak nalang ba ako?
Pupunasan ang mga luhang lungkot sa katitingin sa inyo
Anong gagawin ko para sumaya ulit buhay ko
Maglasing uminum para maging masaya tapos ANO?
Nagsisisi akong makita kang masaya sa iba
Masaya ka naman nung tayo pa diba?
Patawad dahil mahina akong ipaglaban ka
Masaya sana ako ngayon kasama ka