Motivateplay.com
Hangarin Kong maging matagumpay sa buhay
Dugo't kaluluwa'y aking iaalay
Makamit lang ang hiling na tagumpay
Hindi man ngayon handa akong maghintay
Araw-araw akong lumalaban
Sa hirap ng buhay ako'y palaban
kahit minsan ako'y talunan
Kakayanin lahat ng tukso sa kapalaran
Marami ng pagsubok ang nalagpasan
Kahit kahirapan kayang malutasan
Punong-puno na ako sa kalamasan
Pero dala nito sa buhay ko'y kasiyahan
Hindi parin ako susuko
Kahit yung daanan ko'y paliko-liko
Buhay ko'y puno ng taong kay gulong-gulo
Sa pangarap parin ako'y tudong-tudo
Ako ay tao lang may kahinaan
Kahinaang nagdudulot ng kapalpakan
Kapalpakang magbigay sakin ng kahirapan
Kahirapang hindi ako titigilan
Hindi parin ako susuko
Sa laro ng buhay talunan ang sumuko
Kaya ko tong paglaruan
Dahil sa buhay ako'y palaban.
Motivateplay.com