Nagsimula ang lahat sa isang sulyap
Mga ngiting dadalhin ka sa alapaap
Maging sa pag-idlip ikaw ang pangarap
Kung saan ikaw ang aking hanap-hanap
Ang aking pag-ibig di kayang pigilan
Pagkat ang nais ko lang ika'y mahagkan
Kahit ang pagsinta ko'y di mo malaman
Basta sa puso ikaw lang ang laman
Dumating man ang araw na sayo'y umamin
Na ako sayo'y may lihim na pagtingin
Ang puso ko sana'y iyong intindihin
Dahil ikaw ang tangi nitong dalangin
Ang puso'y nagsusumamo sa mga tala
sa poong maykapal ako'y humihiling
na sa unti-unting pagmulat ng mata
sana ikaw at ako ang magkapiling.