Hello po ako pong muli si cheche (sabay tambling) ang inyong lingkod. Noon po pumunta kami ng China ng aming grupo. At lumubog ang ereplanong sinasakyan ng mga bida pero ligtas naman po sila..
kaya ngayon lalangoy naman po tayo at aming ibabahagi ang kwento ni Darina. Ang prinsesang ubod ng ganda at bait na nakatira sa Kaharian ng Atlantika.
Sa isang kaharian sa ilalim ng karagatan ay may isang pagtitipon tipon para sa ika-18 kaarawan ng isa prinsesang sirena.
Maingay. Nagkakasiyahan. Maraming pagkain.
Lumangoy papuntang harapan ang isang makisig ngunit may edad nang lalaking serena.
"Maraming salamat sa inyong pagdating upang ipagdiwang ang ika-18 taong kaarawan ng aking anak." pagpapasalamat ng ama sa mga bisita at nagpalakpakan ang mga ito.
"Ngayon nais ko sanang ibahagi sa inyo ang kasiyahan ng aking puso bilang isang pinuno at ama ng kahariang Atlantika. At nawa ay ating tamasain pa ng mas mahaba ang katahimikan na mayroon tayo ngayon. Mabuhay ang Atlantika!" buong lakas na sigaw ni haring Salmon (well ginawa ko to ng gutom) at mamamayan ng Atlantika at tumugon.
"Mabuhay ang Atlantika!!!" sigaw ng lahat.
"Maraming salamat sa inyo. Ngayon mahal kong anak, Prinsesa Darina muling iyong iparinig sa amin ang iyong magandang boses at umawit para sa Atlantika" banggit ng ama at hiling sa anak.
Tumungo at lumangoy ang prinsesa sa harapan at umawit. (well hindi ko din alam anung klaseng awitin basta sabi nila maganda ang boses ng serena baka kantahin nya ay sundo ni moira ..hahaha)
Habang nakanta ang dalaga ay manghang naguusap ang magkakaibigan at grupo nila Sireno Aenon.
"Aenon sadyang napakaganda ng boses ni Darina, maganda at napakabait pa." usap ng unang sireno
Kabog na pinagkunan ng larawan
Si Aenon ay isang anak na isa pinakamataas na kanang kamay ni Haring Salmon at nobyo ni Darina.
"Sadyang ako ay swerte sa kanya at ako ang dapat lang sa kanya . Mahal kong Darina." sambit ng sereno at nakatingin sa kanya si prinsesa Darina.
Sa grupo ng mga sireno ay dumating si Sabina. Si Sabina ay isang sirena na lahing damugo.
Ang lahing damugo ay mga sirenang minsan nang itinakwil at masamang grupo ng mga sirena. Sila ay itinakwil ngunit sa kabaitan at taos pusong pagkilala sa kanila bilang mga kapwa sirena ay tinanggap muli sa Atlantika. Ngunit ang lahing ito ay tanging paghihiganti lang ang ipapalit sa nakaupong hari.
"Aenon, wag kang pakakasiguro alam mong may dugong taga-lupa si Darina. At alam naman natin na ang hula sa kanya ng Ninunong Damal sya ay aalis ng Atlantika." pang aasar na sambit ng sirenang si Sabina.
"Sabina pakiusap yan ay haka haka lang .Hula nga e. kitang kita naman na ang puso at isip ni Darina ay nasa Atlantika lang."
"Hahahaha. Bahala ka Aenon basta pagwala na sya dito andito ako para sayo at sa Atlantika" sagot ng sirenang si Sabina habang nilalaro ang mga daliri sa dibdib na may tatoo ng sireno na nakatingin sa mukha nito at pilyang ngumingiti.
EEEERRRRRK
ITUTULOY
Maraming salamat po sa pagbasa ng aking munting likha. Sana po ay inyong nagustuhan.
- totoo kaya ang sinabi ni Sabina sa sireno at ito ba ang wawasak sa puso niya?
- anung paghihiganti ang gagawin ng damugo group?
- anung tatoo ang mayroon sa dibdib ni Aenon? simbolo ito ng ano?
malalalaman po natin yan pagdudugtong ni ... jusme ikaw pala susunod sakin sorry na brader :D
Narito ang prompt para sa linggong ito.
Mga Karakter
Bida : The Siren: Darina - sweet, mabait at magandang sirena
Kontra-bida : Hindi pa alam if si Sabina nga ba.
Mga Elemento sa Kwento (Maaring Gamitin bilang Literal o Metepora)
Cat
Body Painting/Tattoo
Revenge
Tema ng Ika-Limang Serye: Pantasya
Unang Pangkat
- Huwebes
- Byernes
- Sabado
- Linggo
Ikalawang Pangkat