Pangako sa Bayan Ko
Maagang gumising
Politiko’y humihiling
Na sila ay piliin
Mabuti raw ang hangarin
Serbisyo ay tiyak
Maririnig ang iyak
Ng mga bawat kasapi
Lalo na ang naaapi
Ngunit bakit boto ay bibilhin?
Ang iisang boto kong angkin
Ano ba talaga ang plano?
Sa iyong pagtakbo.
Ako ay nandito
Upang magkaroon ng pagbabago
Sa bulok na serbisyo
Ng nakaraang palasyo.
Ayaw ko, ayaw ko
Pera mo ay hihindi-an ko
Ito’y aking pangako
Sa mahal na bayan ko.
Masakit isipin na hindi mawala-wala ang problema sa vote-buying. Alam naman nating hindi naman ganoon kalaki ang sinasahod ng mga nasa gobyerno. Pero bakit ganoon nalang ang kanilang gusto na umupo na kaya nilang bilhim ng ilang daan ang bawat botante.
Kailan kaya matitigil ito? Simulan na kaya natin!