Bata pa lang si Ed ay nais na niyang maging doktor. Gusto niyang makatulong sa mga may sakit. Naingganyo siyang manggamot dahil sa musmos niyang edad na apat na taong gulang ay kasakasama na niya ang kanyang lolo Pepe na isang albularyo. Malapit sila sa isa't-isa na parang matalik na magkakaibigan. Mabait na bata si Ed kaya nakita ng kanyang lolo na magiging magaling na manggagamot ang apo.
https://pixabay.com/en/be-being-presence-here-now-spirit-511557/
Isang araw habang namumundok ang maglolo ay biglang inatake sila nang mapakaraming bubuyog. Nagtakbuhan ang maglolo para hindi makagat ng mga bubuyog pero nadapa si Ed at nakagat ng mga bubuyog ngunit agad namang nasakluluhan ng kanyang lolo. Ginamot si Ed ng kanyang lolo. Ngunit nang sila ay nauwi mula sa bundok ay nadatnan nila ang mga magulang ng apo upang ito ay kunin at dalhin sa lungsod upang doon na manirahan. Nalungkot si lolo Pepe sa pasya ng mga magulang ni Ed. Tanging hiling niya ay makasama muna ang apo kahit isang gabi man lamang at pinagbiyan naman siya. Habang natutulog ang apo ay pinagmamasdan ito ni lolo Pepe habang umiiyak. Nagising si Ed dahil dito ngunit walang kaalam-alam bakit umiiyak ang lolo. Niyakap at may ibinulong si lolo Pepe kay Ed at nakatulog ulit ang apo. Dumating kinabukasan ang pag-alis ni Ed at parehong nalungkot ang maglolo.
Dahil sa musmos pa niyang edad noon ay unti-unting nakalimutan ang naging buhay kasama ang lolo. Lumaki si Ed at nag-aral ng kolehiyo sa kurso ng medisina. Nagtapos siya at naging doktor. Naging isang doktor na tanging pinaniniwalaan ay siyensya at mga siyentipiko lamang.
https://pixabay.com/en/doctor-dentist-dental-clinic-1149149/
Isang araw habang papunta sa trabaho ay muntikan na siyang mabunggo ng motor pero tila may humila sa kanyang bag kaya nakaiwas siya ngunit wala naman tao sa likod niya. Nagsawalang kibo lang siya noon. Ilang beses na siyang naaksidente sa araw na iyon pero wala namang nangyayari sa kanya. Umuwi siya sa bahay at nalaman na naghihingalo na ang lolo sa probinsya. Pumaroon agad si Ed upang nakita ang lolo at nadatnan niya na nakaratay sa lantay. Sobrang saya ni lolo Pepe nang makita si Ed at nikayap ng apo ang lolo. Sinabi ni Ed na dadalhin niya siya sa lungsod upang doon gamutin. Pero tinawanan lang ni lolo Pepe si Ed sabay sabing hindi niya kayang gamutin ang sakit nito at sa halip ay maniwala sa sekretong sasabihin. Kaya parating nakakaligtas sa disgrasya ay dahil sa mahikang binalot sa kanyang simula noong bata pa ito upang ilayo sa kapahamakan palagi. Ayaw maniwala ni Ed ngunit siya ay nakumbensi nang ilahad nang lolo ang bawat sakuna na nalagpasan nang apo ng ligtas. Bago pumanaw ang kanyang lolo ay may habilin ito na manatiling mabait at matulungin upang hindi mawalan ng bisa ang mahika.
Sa tuwing tayo ay nakaka-ingkwentro ng mga di maipaliwanag na bagay o pangyayari, tayo ay nagkakaroon ng napakaraming katanungan na nais nating bigyang kasagutan. At ito ay naka depende lamang kun saan tayo naghahanap ng sagot at ano ang gusto nating paniwalaan.