Maraming salamat bagamat Hindi ko ito inaasahan. Isang karangalan ang mapasali sa sinusubaybayan na steemitserye na sinimulan ni , nadamay na si
,
,
,
,
,
,
. Bagamat ako lang Ang lalakeng nakikisawsaw sa kwentuhan eh itatayu ko ang bandera naming kalalakihan.Pwede din naman kaming hingan ng payong pag ibig.Sana ay magawan ko ng maayos Ang pagdugtong ng kwento sa buhay ni Sarah.
Nakakahiya mang hingan ka ng payo pero no choice na kasi ako. (joke) Kialangan ko din ang payo mo bilang isang lalake. Alam kong nabasa mo na kwento ko kina ,
,
. Nakakalungkot na ganun humantong ang pag-iibigan naming ni Gerald na may sagabal pala. At kaibigang niyang matalik pa na dati niyang mahal at ang masakit kapwa niya ito lalake.
Ganito kasi ang nangyari...
" I'll do everything to win your heart and trust back".
" I want to show you that I am worthy of your love, ayokong sirain tong huling pagkakataon na binigay mo. This time i'll do it right"
Ito ang mga katagang pangako ni Gerald sakin ng huli naming pag-uusap bago mag pasya para harapin si Ronnie. Mga salitang pinanghahawakan at nagbigay lakas para ipag laban ko ang aming pag-iibigan at para makapag simula na kami sa bagong yugto ng aming buhay.
Pagdating ko sa I labuyo you Restaurant (doon kasi ang tagpuan) wala pa si Ronnie sa usapan naming takdang oras. Diko mapigilan ang inis ko at galit dahil halos kalahating oras na akong naaantay. Sinubukan kong tawagan pero di niya ako sinasagot. Kung di lang importante at pagmamahalan namin ni Gerald ang nakasalalay dito ay matagal na akong umuwi.
Ano ba naman yan! wala man lang ka gentle-gentleman sa babae at ako pa pinag hintay palibhasa GENTLE talaga siya...ang Gentle kumilos ang bruha!.. Kaiinis! Paalis na sana ako ng biglang dumating din ang Bruha!
Hi Sarah! I'm sorr... sabay gustong makipag kamay. Pero umiwas ako sa pakikipag kamay sa kanya at pasimpling binaba niya ang mga kamay. sabay upo...at tanong. What do you...?
Di ako pumunta dito para kumain pag putol ko sa tanong niya dahil sa inis ko. Sa huli nating pag uusap sa telepono alam na natin na may dapat tayong pag usapan at haraping mga issue.
Hindi na ako mag paligoy ligoy pa sayo Ronnie layuan mo na si Gerald pasindak kong sabi. Mahal namin ang isa't isa at higit sa lahat masaya na kami sa isat isa. Kaya pwede ba! wag mo na kaming gugulohin pa. (ang tapang ko sa intro mga bes clap! clap! clap!)
Habang ako ay nag sasalita kalmado lang at dina nagulat si Ronnie habang nakikinig.. (wa epek ata ah) nakikipaglaban pa sakin ng titigan. Nakakailang pero kailangan kong tatagan.
Inuulit ko Ronnie masaya na kami ni Gerald at kong ano man ang nakaraan niyo tapos na yon. At ano man nag balak mo para guluhin kami binabalaan kita. Dahil ako na ngayon ang mahal at nag mamay ari sa puso niya.
Uminom ako nga tubig nanunuyo ang lalamunan ko.
Tapos ka na ba? biglang sabi niya.
Yung lang ba ang sabihin mo?..na masaya na kayo? mahal ka niya?
Mahinahon niyang tugon pero may tigas sa kanyang pananlita.
Oo, Ronnie at nangako sakin si Gerald na bigyan ko pa siya ng isa pang pakakataon ay gagawin niya lahat ang para maitama at pinaniniwalaan ko siya.
Hahaha,naniniwala ka naman? patawang sagot niya at iba na ang tuno ng boses niya.
Gaano mo kilalala si Gerald? Mas kilala ko Gerald kesa sayo, magkababata kami at besfriend ko. alam-alam ko ang likaw ng bituka niya. ikaw kelan lang?
Isang taon? dalawang taon? tatlong taon?
sunod-sunod na diin niyang mga tanong.
(Sa isip ko bestfriend ka diyan baka beastfriend.)
Saka isa pa Sarah, isa ka lang dating secretary diba? nang iinis na sambit niya.?
di ba pumasok sa kukoti mo kahit minsan na sa panahong naghiwalay kami isa ka lang panakip butas lang? para mapagtakpan ang sakit nang paghihiwalya namin? Dahil dika niya mahal. deretso niyang sabi.
Ouch sakit naman!
Di totoo yan sabi ko. nangingilid na ang luha ko.. (singhot tibayan ang loob)
Gusto mo ang totoo? hahaha . Ang totoo!,habang kayo pa nagkikita pa din kami lingid sa kaalaman mo. pangungutya niya sa akin.
hindi! di totoo yan. sagot ko may halong galit at naiiyak na!
wag mo akong subukan! Gusto mo lang kaming siraan.
hahaha! (Tumawa ulit Sobra na!pang iinsulto niya) anong alam mo bago ako pumunta dito katatapos lang namin nag usap kanina kaya late ako.
Aba! palaban talaga bruha na to.
Dahil sa sinabi niya di ako makaimik. (naglalaro sa isip ko Bromance nila sa condo) gusto ng sumabog ang galit gusto ko ng sabunutan ang loka lokang Ronnie na to.
Arrg! gusto ko sumigaw.. di to totoo...yan! di totoo...mahal ka niya sigaw ng puso ko. pero iba ang dikta ng isip ko...nag dududa na ba?
Lalong gulong gulo na nag isip ko...
Iniwan ako ni Ronnie na tulala at luhaan. akala ko pa naman ako ang sisindak sa kanya marami palang bala ang loka loka. (kaya dapat kung pupunta sa gira laging handa)
..di maalis sa isip ko ang mag salitang binitawan ni Ronnie bago umalis. (binulong parang halik ni hudas)
"Sarah, mahal ko si Gerald at handa kung din ipag laban ang pag mamahal ko sa kanya" Huwat! tumayo mga balahibo ko di dahil sa kiliti kundi sa pandidiri.ewwi!
Wow! ang tindi.! laban pa more..
Are you ok miss? binasag na tanong ng isang lalaki habang ako'y umiiyak sa isang sulok.
I'm ok sabi ko.
Are you sure?
sabi ng ok eh. pagalit kong sagot.
kasi miss kanina pa kita nakiktang umiiyak.
pakialam mo sagot ko.
oh! ang hard naman, miss. Gusto ko lang makatulong at makasiguro if ok ka lang.
oo, na nga! ok na!. ano masaya ka na!. so wala ka ng problema. pabalang kong sagot.
ang totoo miss meron.
HA! bakit? ano na naman.?
Magsasara na po kami. pak ganern... (Siya pala may ari ng Resto)
Maaga akong nagising sa araw na yun kahit puyat dahil sa nangayari kagabi. Mugto pa ang mga mata kaya nag Shades nalang ako para di halata. Nag bihis ako para puntahan si Gerald sa condo niya. Araw ng Day off niya that day. Gusto ko din siyan makausap para tanungin at maliwanagan sa mga sinabi ni Ronnie ng gabing nag usap kami.Kung totoong panakip butas lang talaga ako.
(Oops! sandali lang muna kape muna tayo Mag-ala una na kaya..baka isipin niyo balik tayo sa eksena na naman sa bromance nila sa condo.)
Pumasok ako condo ni Gerald (may susi ako diba kaya naka pasok) Kinakabahan ako baka maulit na naman ang tagpong diko inaasahan noon. pero walang tao sa condo. hay! salamat at di naulit ang bangongot na nangyari noon. Pumunta ako sa may garahe para siguraduhing nandon ang sasakyan niya. Pero wala yong sasakyan baka lumabas sabi ko sa isip ko. Kaya nag pasya akong aalis nalang muna para mamalenke para lutuan ko nalang ang mahal ko. Habang naglalakad nakasalubong ko si manang Grace ang Janitress sa condo.
Magandang hapon po ma'am sabi.
Gandang hapon din po manang Grace sagot kong naka ngiti.
Si sir Gerald po ba sadya niyo?
(Malamang manang alangan naman kayo? hehehe di kasama to.)
Opo sana manang.
Ay kaalis lang po ni sir kasama po niya si sir Ronnie. sayang di kayo napang abot.
dahil sa sabi ni manang Grace di ako nakaimik, ang ngiti kanina'y parang nabuhusan ng malamig na tubig.. at di makagalaw...Natagpuan ko lang ang sarili ko na umiiyak sa isang sulok ng lounge sa condo ni Gerald. Daming tanong sa isip, bakit sila mag kasama? baka tama nag hinala ko? parang gumuho na ang mundo ko sa nalaman ko.
are you ok? pamilyar na boses ng isang lalake..habang ina aabot ang panyo sa'kin. kinuha ko at sabay tingin ko sa taong nag abot... nagulat ako dahil yong may ari pala sa resto... ikaw na naman?
Nagulat din ang reaksyon niya sabay sambit, ay ikaw yung.....
Oo, nakita mong umiiyak sa resto mo tapos! uumiiyak na naman dito sagot kong mangiyak ngiyak.
Ngumiti siya at sakin ang lumabas ang kanyang kambal na dimples na malalim na parang Aga Mulach ang dating. (Huh! bakit napinsin ko yun umiiyak kaya ako)
ah! tama! Nalala ko na... kaya pamilyar ka last time na nakita kita sa resto ko. actually dito kita unang nakita... sabay ngiti, labas ulit mga dimples niya. (sinasadya ba niya pero in fairness pogi siya. Aga nga diba?)
Ano sabi mo dito mo ako nakita? nakabawi na sa hiya sa pag iyak. medyo ok na ko.
oo, dito kita nakita tumatakbong noon paalis at naiwan mo ang red na sapatos mo...hinabol kita pero di mo ako pinansin dahil...
....umiiyak ulit ako. mabilis na sagot ko...
nagkatinginan kami.. at ...
sabay kaming tumawa.
by the way I'm Brad.... fitt nah!
sa sandaling yun nabawasan ang sakit na aking nadarama.
"Hinubad ko na lang ito at iniwan ko, pero may lalakeng pumulot at sa akin ay ihahabol ito ngunit hindi ko na nilingon at pinansin " flashback
Dito muna mag tatapos ang pangyayari sa buhay ko. napakasakit na malaman mo na mag kasama ulit sina Gerald at Bruhang Ronnie. Ano ang opinyon niyo sa aking kwento ng buhay ko at ano ang mapapayo niyo? Gulong Gulo na ang isip ko.
Nagmamahal,
Sarah
Talaga bang panakip butas lang ni Gerald si Sarah o Isa lamang itong panira ni Ronnie para kusa siyang magparaya?
At sino ang lalaking kamukha ni Aga na lagi na lang nakakakita kay Sarah na umiiyak?
Ano ang magiging parte sa buhay ni Sarah? siya naba ang magiging shoulder to cry on ni Sarah?
Salamat sa malupit kong kaibigan sa pagtulong pero ka ano-ano kaya sir Brad fitt?
Mag pinsan kaya sila? lol
Kung nais niyo balikan ang mga unang bahagi ng serye na ito sundin lamang ang mga links sa baba:
Steemitserye 2nd Edition - Part 1Dear @jemzem: Ipaglalaban Ko Pa Ba?
Steemitserye 2nd Edition-Part 2 (Dear @Mallowfitt Bromance...Di ko kayang Tanggapin)
Steemitserye 2nd Edition-Part 3(Dear @iamdeth: Bromance- Puso o isip? )
Sa wakas natapos ko din, Pasensiya kung medyo mahaba...ngayon lang ako nakagawa ng ganito. Muli, ako'y taos pusong nagpapasalamat sa inyo Ma'am, ,
,
,
,
,
,
,
..
At ngayon ay ipapaubaya ko ang ikalimang bahagi ng steemit serye 2-edition sa aking Kaibigan at Master . damay damay lang to. Dumami ang puting buhok ko dito sa kaiisip hehehe
Thank you for stopping by:-)
Peace and blessings, God bless us all :-)
Please support as a witness, Please vote him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.
If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.