Minsan lang daw magmahal ng tunay ang isang tao. Kahit na pa
ulit-ulit ka ng sinasaktan, paulit-ulit ka paring nagmamahal.
May mga pagkakataon na ang mga nagmamahalan noon ay di nagkatuluyan sa kasalukuyan.
Masakit diba? Lalo na kung ang pagmamahal na yun ay lubos mong ibinigay ni wala ka ng itinira para sa sarili mo.
Ngunit kahit ganun pa man ang iyong karanasan, kahit ganun kasakit ang iyong naramdaman, patuloy ka paring magmamahal.
Patuloy ka paring magmamahal kahit na alam mong wala ng pagmamahal na bumabalik para sayo.
Sabi nga nila pag nagmahal ka ng tunay, magpaparaya ka na lang at hahayaan mo nalang na masaktan ka.
Ang pagpaparaya mo daw sa taong mahal mo ay di nangangahulugang isa kang duwag. Ngunit ito ay isang paraan ng pagpapatunay na kaya mong ibigay ang kaligayahan ng mahal mo kahit patuloy kang nasasaktan nito.
Sabi nga nila, "Kung saan siya masaya, doon ka narin masaya."
Kaya pag nagmahal ka ng tunay, dapat kayo mong harapin ang pagsubok na tatahakin mo bilang isang taong nagmamahal.
Pero dapat, wag mong hayaan na hilain ka nito pababa. Oo masakit pero dapat maging matatag ka.
Nandiyan ang iyong pamilya para iyong masandalan. Ngunit kung sa tingin mo'y wala ka ng masasandalan, pumikit ka at magdasal.
Laging nandiyan ang Panginoon, lagi mong tandaan na handa Siyang magmahal sayo nang higit pa sa inaakala mo.
Ang pagmamahal ng Panginoon ang hinahangad mong tunay na pagmamahal.
Magtiwala ka lang sakanya at di ka niya pababayaan habang buhay ganun narin sa kabilang buhay.
Kaya kung gusto mo ng tunay at tapat na pagmamahal, nandiyan ang Panginoon lubos ka ng minamahal kahit nung nasa sinapupunan ka pa lamang ng iyong inay.
Salamat sa pagbisita sa aking blog!