Sa panahon na tayo ay sobrang saya
'Yong walang problema puro lang tawa
'Yong squad nating kompleto pa
Nakakamis diba?
Kaylan kaya tayo ulit magsama-sama?
May chance pa ba?
O wala na talaga
Naalala 'nyo pa ba, nong unang araw ng skwela?
Tayo ay nagkakilala, at sa lahat ng oras laging magkasama
Kahit mag CR pa
Hanggang ala-ala nalang ba?
Sabi 'nyo sabay2 tayong mag rampa
Na suot natin ang itim na tuga
At hawak na natin ang ating diploma.
Pero kahit tayo'y hindi na magkakasama
Mananatili parin ang masayang ala-ala.
Ito lang ang barkada na kahit maraming problema, lagi lang nakatawa.
Nakakamis lang talaga.