"Guro"
Image Source
Ang aking katawan ay puno ng sigla at saya
Sigla na tumutulak na ako ay bumangon
Saya na nadarama sa aking pagyaon
Taglay ang yakap at halik ng magulang
Kasabay nito ang gabay ng pagmamahal
At bilin na ako'y magsipag sa pag-aaral
Iba't ibang mukha ang aking nasaksihan
Mukha ng may kasamang takot at kinakabahan
Habang ang iba ay naglalaro at nagtatawanan
Masayang nakangiti habang papalapit sa amin
Ang aking magulang ay nagagalak na sumalubong
At sa taong kaharap ako ay inihabilin.
Ako ang inyong "Guro" yan ang wika niya
Ang taong huhubog sa aming pagkatao
Ikalawang ina na sa amin ay walang sawang magtuturo at magpapayo.
Marami Pong Salamat Sa Pagbasa!!
😊happymom28😊