Magandang umaga Steemians! Nais ko lang gumawa ng aking sariling katha. Kathang layuning mapaglinang at nais maging dalubhasa sa larangan ng tula.
Photocredit : Pixabay
Gustong-gusto kong magpalipas oras
Di alintana kung anumang oras
Pero mas magandang magmuni-muni tuwing gabi
Langhap ang hangin, tanaw ang butin
Nais kong magtampisaw sa tubig
Lumangoy baka mahanap ang aking pag-ibig
Ang nais ay makapagpahinga ng madiin
MALanghap ang hangin at kapaligiran ay tanawin
Ang ginaw ng tubig ay aking ninanais
Katawan ay naghahanap ng preskong tubig
Maglaro sa lugar na walang iniintindi
Gawin mo ang lahat ng walang kinukunsinti
Ang tanawin ay isa sa aking gusto
Kung bakit pagpunta sa "Dagat" ang nais ko
Kumuha ng mga litrato upang may ala-ala
Magkaroon ng koleksyon kung saan ako nagpunta
Nawa'y sana ito'y inyong nagustuhan :)
