"Sa Iyong Paglisan"
Sa iyong paglisan
Ako'y labis na nasugatan
Para bang buto ko ay nabalian
Paralisado rin buong katawan
Nagbago na ang takbo ng buhay ko
Bigo pa sa pag-ibig mo
Dati-rati mundo ko'y masigla
Noong ikaw ay nandyan pa
Subalit noong mang-iwan ka
Gumuho ang mundo ko bigla
Hindi lubos maisip ang bukas
Dahil pagmamahalan natin ay nagwagas
Dapat ko nalang ba na tanggapin
Na talagang nawala ka na sa akin
Ako'y nagdarasal na makabangon muli
Na kalungkotan ay di manatili
Naway akoy madaling makaahon
Sa mapapait na kahapon
Sadyang mapagbiro sa atin ang tadhana
Maging sa propesiya hindi tayo ang itinakda
Mananatili kang isang alaala
Na minsan sa 'kin ika'y nagbigay sigla
Naway nasa mabuti kang kinalalagyan
Hiling ng puso kong iyong nilisan
Maraming Salamat sa Pagbasa (Thank you for Reading!)
Nawa'y naantig at naaliw kayo sa mumunting tulang aking orihinal na nilathala. Kung may komento, opinyon o may reaksyon man kayo, wag kayong mag atubiling i-reply sa post na ito. Ako'y lubos ang galak na makita ang mga iyon.
Narito rin ang aking Tulang Pilipino (Na may Hugot) :
and Here are my English Poetries
Hanggang sa Muli
Photocredits : 1