"Tadhana'y Pinagkait"
Isip at puso ko'y gulong - gulo.
Bakit ako pinagkaitan ng tadhana
Bakit pa ba ako ang inantala.
Minsan ako'y napapaisip sa mundo
Di mawari'y napakasakim nito.
Puno ng kasalanan at pang-aapi
Sa mga tulad ng naming ginawang pipi.
Ako'y lubos na nasaktan sa iyong desisyon
Ang hatol mo'y hindi patas sa'king opinyon.
Iba'y binigyan ng konsiderasyon at ako'y hindi
Di mo lang alam kung gaano ito kahapdi.
Ako'y sobrang nasaktan, bakit ba ganyan
Porket babae ba, iyong pinagbibigyan?.
Kung gayo'y hindi ka dapat sa iyong posisyon
Ika'y mapang-api, kung tumulong ay may kondisyon.
Mga pangarap ko'y biglang nagkawatak-watak
Luha ko'y labis ang naging pagpatak.
Hindi ko kinaya ang sakit at hapdi
Ba't ang tulad ko'y palaging inaapi.
Salamat nalang sa pagtanggi mo
Nawa'y sumalangit ang kaluluwa mo.
Ako'y napatanong sa Panginoon kung bakit
Bakit ba sakin "Tadhana'y Pinagkait".
Maraming salamat sa pagbasa! (Thank you for Reading!)
Nawa'y nagbigay-aliw ang tulang ito sa inyong mga magiliw kong magbabasa. Kung may mga komento o suhestiyon kayo sa naturang tula, huwag mag-atubiling ilahad ang inyong mga opinyon. Ako'y lubos na magpapasalamat kung ako'y iyong tutulungan sa paghubog ng aking kakahan.