Magandang Umaga Makatang Pinoy!

Lubos ang aking galak sa napakaraming na sinumite ng ating mga kabayan ng "Word Poetry Challenge | Tagalog Edition" na may temang "Tamang Panahon". Salamat sa mainit na pagsuporta at sa pagsasabuhay ng wikang Filipino na inilalathala natin sa Steem Blockchain.
Sa totoo lang, naging sobrang hirap ang pagpili ng mga mananalo sa paligsahang ito dahil nakakaantig ang Tema ng patimpalak na ito.
Honorable Mentions
|
1 STEEM each
2nd runner-up
- 3 Steem
May mga bagay sa mundo na minsan mahirap maintindihan,
At kadalasan ay hindi kaya arukin ng ating limitadong kaisipan.
Bakit may mga bagay na sa atin pinapahintulutan,
At ang mga pinapangarap na buhay ay di natin nararanasan.
Word Poetry Challenge #18 : "Tamang Panahon"| Ang aking lahok.
1st runner-up
- 5 Steem
Magsisimula akong muli tulad ng dati
Mag-isa at walang bahid ng ano mang pighati
Unang naging malaya mula sa pagsisinungaling
Mga katagang binitawan na dumurog sa akin
Word Poetry Challenge #18 : Tamang Panahon
CHAMPION
- 10 Steem
Araw araw lalo akong nagsusumikap
Darating ang panahon ikaw rin ay aking mayayakap
Paglayo sayo’y malungkot at mahirap
Pagkat ikaw ang lagi kong hinahanap
Word Poetry Challenge #18: “Tamang Panahon” | Entry #2

Maraming Salamat sa Pagsuporta!
Pruweba ng Gantimpala
Maraming salamat sa suporta mga kabayan. Kung nais ninyong suportahan ang patimpalak na ito :
Maraming Salamat sa Nagbigay Donasyon sa Patimpalak na ito
| 

Paano Sumuporta sa Patimpalak na ito :
- Inaanyayahan ko kayong magbigay ng donasyon (upvote, SBD/Steem donations, pag-anunsyo ng contest sa mga kakilala)
- Kung nais mong magmungkahi ng Tema sa susunod na patimpalak, i-kontak mo ako sa Discord
#9609 o sa email ijassenn@gmail.com
- Kung maaari I-upvote ang post na ito.