Imahi mula sa:Google
Ang Mahika ng Lumang Kaldero
Sa isang malayong bayan may dalawang kapatid na sina Erning at ang nakaka batang kapatid nya na si Boboy, mangangalakal ang kanilang hanap buhay, hindi na sila nakapag-aral sapagkat ma agang na ulila sa mga magulang. Si Erning ay nakapag tapos lamang sa grade 6 at si Boboy naman ay grade 5.
Ang mag kapatid ay masayang namumuhay sa kabila ng kahirapan sa buhay. Nakatira sa isang barong-barong na bahay at may bubung na lumang yero, ngunit ang magkapatid ay puno ng mga pangarap sa buhay. Pangarap ni Erning na makapag tapos ng pag-aaral ng sa ganun ay kahit kunti man lang ay ma ahon sila sa kahirapan at ganun rin si Boboy.
Isang araw habang sila ay nangangalakal, namumulot ng lata at plastik na pwedeng ibinta ng kilo, si Boboy ay may nakitang kaldero na medyo may kalumaan na, sabi ni Boboy " kuya Erning ito may napulot akong lumang kaldero, pwede natin tong ibenta." Sinagot naman ito ni Erning "Huwag.... pwede pa tong pamalit sa kaldero nating butas na, kunting linis lang nito pwede na.". Matapos na ibenta ang kanilang nakalakal umuwi na sila sa kanilang barong-barong at ibinili ng bigas at sardinas ang kinitang pera. Nang gabing iyon ay nilinis ni Erning ang nakitang kaldero ng kapatid.
Nang akdang naka tulog na ang mag kapatid ay nanaginip si Erning sa kaldero. Sa kanyang panaginip ay nakita nyang puno ng pera ang kaldero at may boses na nagsasabi na "Erning ang kalderong ito ay may biyayang dala, buksan lamang ninyo ito at ibibigay sa inyo ang pera na inyong kailangan sa pang araw-araw." Ngunit na alimpungatan si Erning at nagising na may pang hihinayang sa mukha na napalingon sa kaldero at nasabi sa sarili, "panaginip lang pala ang lahat." gayunman bumalik sa paghiga si Erning at natulog.
Nang umaga din na iyon ng mag luluto na sana si Erning gamit ang nakitang kaldero, nang kanyang buksan, sobrang gulat ni Erning sa kanyang nakita. Punong-puno ito ng pera at naalala niya ang napaginipan kagabi. Dali-dali niyang tinawag ang nakababatang kapatid na si Boboy sabay sabi "Boboy mayaman na tayo." Pati si Boboy gulat na gulat sa kanyang nakita at tumugon sa kanyang Kuya Erning "Kuya pwede na natin tuparin ang mga pangarap natin na makag tapos sa pag-aaral."
Sa mga araw na nagdaan kada bukas ng kaldero ay may pera ito, dahil don nakapagpasya ang magkaptid na humito na sa pangangalakal at tapusin ang kanilang pag-aaral. Sa mga taong lumipas nakapagtapos ang magkapatid at nagkaroon nang magandang tarbaho at nakapagawa ng sariling tahanan. Sobrang pasasalamat ng magkapatid sa biyayang natanggap, kaya naman napag disisyonan nila na ipasa ang kaldero sa mga taong lubos na nangangailangan.
At dyan nagtatapos ang ating maikling kwento. Maraming salamat sa oras na inyong ibinahagi sa pag-babasa kaibigan hanggang sa muli.