Banner ay galing sa Spark Adobe. Salamat sa
Kahapon nagtapos ang pa-contest ng tula ni tropang Jassennessaj. Medyo nagtaka ako kung bakit ako ang kanyang napili dahil wala naman ako na-publish na mga gawang tula dito sa Steemit. 😅 Pero naitawid na din. Eto po ang anunsyo ng mga nagwagi. Kung may oras kayo at kung mahilig kayo sa mga tula, invite ko kayong basahin ang mga gawa ng mga nanalo.
Pero para san nga ba yun post na ito?
Sumakit kasi ulo ko kahapon haha 😆 Kaya i-share ko na lang din ang experience ko sa paghuhurado. Ang dami pong magagaling talaga, pero unfortunately, tatlo lang po ang magwawagi. Kunin ko na rin po itong chance na to para kilalanin ang ilan sa mga akdang nagustuhan ko din talaga ngunit hindi napasama sa top 3.
Judging Time
Sa pangkalahatan, 34 po ang tulang naipasa bago magsara ang contest. Syempre po binasa at ninamnam ko po ang bawat isa sa mga iyon. Sa 34 na tula, napaliit ko ito sa 16 na bilang laman. Ang pagpili ko dito ay base sa lakas ng impact at effort.
Sa pagkakalahati ng entries, hirap na din po. Pero pinaka-madugo talaga yun galing sa 16 ay gagawing kong tatlo na lang 😅. At dahil po dyan minabuti ko ng gumawa ng personal criteria sa pag-judge.
| Pamantayan | Halaga |
|---|---|
| Mensahe at Paggamit ng Tema | 30% |
| Daloy at Tunog | 30% |
| Estilo at Pagka-orihinal | 30% |
| Kahusayang Teknikal | 10% |
- Mensahe at Paggamit ng Tema (Message and Use of Theme): Panalo po para sa akin ang mga gawang may solid na mensahe. At dahil may temang binigay na gintong medalya, hinanap ko po ang mga akda na may mataas na relevance sa prompt.
- Daloy at Tunog (Flow and Sound): Fan po ako ng mga tula o kahit anumang akda na may magandang flow at cohesiveness. Yun tunog naman po ay hindi ibig sabihin yun tugma, ito ay patungkol dun sa "maririnig" mo habang binabasa yun tula. Sa simpleng salita siguro, "maganda ba pakinggan ang tula kung bibigkasin?".
- Estilo at Pagka-orihinal (Style and Originality): Sa dami po ng entries, automatic po talagang nangingibabaw yun may kakaibang estilo at atake. Kaya po mataas na puntos po ang ibinigay ko sa uniqueness factor.
- Kahusayang Teknikal (Technical Excellence): Pamantayan ko ito para sa pagkapulido ng gawa. Hindi ganoon kataas ang puntos na nilaan ko para dito kasi mas mahalaga sakin personally yun mensahe, emosyon, estilo kaysa sa mga teknikal na aspeto.
Ang mga Nagwagi
Sa 16 na natira na mas binusisi ko po ay may nangibabaw na 8 tula. Syempre alam nyo na po yun tatlo jan dahil yun ang mga akda ng mga nagwagi:
| Manunulat | Parangal | Link ng Tula |
|---|---|---|
| Kampeon | Gintong Medalya | |
| Unang Parangal | Gintong Medalya | |
| Ikalawang Parangal | Gintong Medalya |
Ang Aking mga Special Mentions
Sa aking personal na top 8 na hindi napasama sa awarding, nais ko po sana din kilalanin ang inyong mga akda. Magbigay na din po ako ng kaunting SBD para medyo may impact yun pagiging special mention 😊
Sa totoo lang po, marami pa rin pong magaganda bukod dito sa lima, pero limitahan ko na lang po ito sa pinaka-nagustuhan ko. In no particular order po:
- Gintong Medalya
Nung una'y nabanggit nya sa aming discord tambayan na mas kumportable syang magsulat sa ingles. At talaga naman curie-level yun pagsusulat nya gamit yun 😉. Pero eto lodi na rin talaga si sa pagtatagalog. Pinakanagustuhan ko talaga dito yun emosyon at pagmamahal na naguumapaw sa kanyang akda. Winner na mommy talaga 😁
- Gintong Medalya
Sa lahat ng mga entries, isa ang kanyang lika sa pinaka-makata at may mga nagamit na salitang hindi pang-karaniwan. Natuwa din ako na napapa-imagine nya sakin na farm-life sa kanyang pagsalaysay. Medyo trip ko din talaga yun ganyang setting, kaya nahuli agad ang atensyon ko.
- Gintong Medalya
Napakasaklap ng kwento sa tulang ito. Talagang may kirot kapag dinamdam mo ang tula 😢 Ang lalim po ng tema at bitaw. At dahil po doon talagang standout po ang tula ni bb na talagang pupukaw sa damdamin mo at magpapaisip sayo pagkatapos mo mabasa.
- Gintong Medalya
Imahinasyon lang daw ang kwento pero totoo talaga yun emosyon - puno ng pangarap at pagsisikap. Isa to sa mga tulang nabasa ko sa contest na siksik talaga ng inspirasyon. Maganda din ang daloy at ang pagkaka-structure sa tula at panalo rin talaga ang surprise twist sa ending 😎
- Gintong Medalya
Excited masyado si TP-bro. Ilang oras pa lang yun announcement meron na agad entry lol. Itong tula nya ang bukod-tanging tula sa entries na ang goal ay mang-aliw lang. Walang aral, punchline lang talaga haha. Ito ang patunay na malayo din ang nararating ng mga akdang kaya kang pangitiin.
Achievement Unlocked
Naging makabuluhan at masayang experience din po para sa akin ang pagiging hurado. Unang beses ko po ito mag-judge ng tula, palaging contestant lang, kaya naman "achievement unlocked" talaga. Pero isa pang bagong achievement sa akin ay ang makagawa ng post na medyo random 😅. Isa sa mga weakness ko rin ang kawalan ng motivation na magsulat kaya naman halos walang laman ang aking blog. Kaya solved na din ako kung makapag-post ako kahit once a week lang.
Medyo confident ako may magbabasa netong post kasi ang dami kong mentions lol.