Image Source(direct link to img)
malakas na palakpakan
ngiting hindi mapawi
kagalakang walang sidlan
luhang hindi mapawi
nang tawagin nila
ang pangalan niya
parang siyang reyna
hinangaan nila
nang makamit niya
ang gintong medalya
dumaan sa isip
ang lahat ng hirap
dinala ng paa
sa may pulpita
muling naluha
habang nagsalita
salamat sa maykapal
nakamit din sa wakas
inaasam na matagal
hawak na rin sa wakas
tinawag ang ina
inalay ang medalya
sa taong nagtiwala
nagbigay ng suporta
umakyat ang ina
may pilat ang mukha
bunga ng pagsagip
sa sanggol na naidlip
Inalalayan siya
ng buong pagmamahal
ng anak na sinagip
isinabit sa inang mahal
gintong medalyang tunay
hindi ang hawak niya
kundi mahal na ina
sa sakripisyong bigay
Maraming salamat, hanggang sa muli
Ito ang aking entry sa #wordchallenge #3 sa temang "GINTONG MEDALYA " ni Sir. .
Please support as a witness, Please vote him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box.
If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.