"WALA NA ANG DATING TAYO"
Ilang buwan ako’y nagtatanong
Ilang buwan ako’y nagkukulong
Di masagot lahat ng alinlangan
Bat ako’y pinagpalit at iniwan
Inom at walwal, lahat yan ginawa ko
Para maibsan ang kirot ng pusong ito
Iyak at sigaw, yan ang ibinuhos ko
Hanggang mapuno ng galit ang utak ko
Ilang buwan ako’y nagtiis
Ilang buwan ni hindi ko maiwagkis
Kung bat’ mo ako pinagpalita sa iba
Kahit binigay puso ko’t kaluluwa
Sobra ba ang aking ibinigay
Para ikaw ay umalis at maumay?
O kulang ba lahat ng aking ginawa
Para ako’y lisanin kahit nagmamakaawa?
Lahat ng paraan aking ginawa
Para ako’y makabangon at mawala
Lahat ng sakit saking puso’t isipan
Ng iyong iniwan at pinabayaan
At ngayon ay ako’y nakabangon
Bigla kang babalik at mang hahamon
Ng pagbabalik nating dalawa
Nakuha mo pang tignan ako at tumawa
Tingin mo ba sa akin ay gamit
Para iwan mo sa tabi ng di mangawit?
Babalikan lang pag may kailangan
At iiwan ulit pag pinagsawan?
Ako’y tapos na saiyong palabas
Isinirado ko nang kurtina’t palaspas
Hindi mo na kailangang magpanggap
Gumising kana’t tumigil sayong pangarap
Ako’y hinding hinid na babalik
Sayong mga yakap at halik
Ako ay tapos ng magpatawad
Kahit di hiningi o inilahad
Ang puso ko’y puno na ng pagmamahal
Walang lugar para sa mga taong hangal
Ang puso ko ay puno na ng ligaya
Kahit na di na ikaw ang kapiling at kasama