Gabi na puno ng paghihinagpis at pagpapakasakit,
Hindi ko mabatid kong ano ang aking gagawin.
Tanging ang mga matatamis nyang mga ngiti ang nag tanggal
Ng lahat ng pait at sakit sa damdaming pagod na pagod na.
Salamat sa inyo ! at mas natuto akong pahalagahan sya lalo.
Salamat ! salamat ! salamat sa inyong lahat !
Nanghina ang aking katawan at nanginig ang aking mga kalamnan
Sa mga salitang aking narinig,
Ngunit, ayokong bumitiw !
Kailan may hindi ako bibitiw !
Pangako yan at totoo, itaga mo ito sa bato.
Hindi kalian man !
Dahil ang aking pagmamahal sinusuong kahit anong
Hirap at pait.
Pakiusap po ! tama na ang lahat ng mga pasakit at pagtatanong sa akin.
Ako din ay isang taong may puso at damdamin !
Nais ko lang na magmahal at mahalin ng taong tanggap
Ang bawat hiblang meron ako.