Zac’s POV
Bago pa ako maka baba dito sa kotse ko, napansin ko ang pamilyar na mga mukha na kalalabas lang sa kanilang sasakyan at nagmamadaling pumasok sa building.
Hindi ako nagkamali, si mommy at daddy yon, pero may kasama silang isa pang lalaki. Pero bago ko pa sila masundan ay nalagpasan na ako ni Dwayne. Nagtataka din siya, maaring kilala niya ang isang kasama nila mommy pero...
Anong ginagawa ni Dwayne dito? Hindi magandang magpakita si Dwayne kay Brielle ngayon dahil nasaktan si Brielle sa nalaman niya kanina, na ang taong minamahal niya ay ex pala ng pinsan niya, at ikinagulat ko din ang nangyari kanina.
Dala ko ang meryenda at ulam na ipinabili ni Laila para sa hapunan. Dali dali akong sumunod at tinapik ang balikat ni Dwayne, pero hindi niya ako pinansin at nagpatuloy pa rin sa paglalakad. Nagmamadali at parang may hinahabol.
“Look, I need to talk to her. Please don't stop me.” aniya noong nakasakay na kami ng elevator papunta sa room nila Brielle.
“Pero sana intindihin mo naman si Brielle, nabigla at nasaktan siya.”
“Sige, I just want to check on her before I’ll go home, I will just see her.” pamimilit niya at wala na akong nagawa noong bumukas ang elevator “At anong ginagawa ng parents mo dito? Bakit kasama nila si Mr. Anthony?”
Hindi ko nasagot ang tanong niya dahil hindi ko rin alam kung ano ang pinunta nila dito. Pero wala pa kami sa tapat ng condo unit nila nang marinig ko ang hikbi ni Brielle, napatigil kaming pareho ni Dwayne at nagkatinginan. Mula dito sa kinatatayuan namin ay kitang kita ang nangyayari sa loob dahil bukas ang pinto!
Nakita kong meron doon si Mr. Carlos Fernandez na matalik na kaibigan ni mommy.
Wait Carlos Fernandez? Right?
“Mama?” naluluhang tawag ni Brielle kay mommy.
Wait? Did I heard it right? Mama? How come?
“No kidding way!” gulat pero mahinang naiusal ni Dwayne at napatingin sa akin “S-step sister mo siya?”
Napailing ako dahil wala akong matandaan na may ipinakilalang ibang lalaki si mommy, loyal siya kay daddy at mahal nila ang isa’t isa, kahit pa pangalawang asawa lang ni dad si mommy, itinuring niya kaming totoong anak ni Lizbeth at itinuring din namin siyang tunay na ina, everyone knows that, we are mommy’s family now and there’s no more.
Pero bukod kay dad, she have Mr. Carlos Fernandez, her best friend. At naalala ko na bago ikasal si mommy at daddy ay may inaalagaang bata si mom noon, alaga nila ni Mr. Carlos, I'm 8 years old that time when dad visited Ms. Delia (tawag ko kay mommy noon) and I thought I will be having a step sister if my dad will marry Ms. Delia. But I was wrong, the girl is daughter of their bestfriend Maila. And before Maila died, she asked mommy and Mr. Carlos, her best friend took care of her daughter and that's what they did.
Naalala kong palihim naming binibisita si tito Carlos noong kasal na si mommy at daddy. Mom still care for the child pero hindi siya nagpapakita rito. I was 18 when my family visited tito Carlos again, but the girl are not at home, she's in her class. Pero naalala ko noong paalis na kami sa bahay ni tito Carlos ay siya namang kadarating lang ng anak- anakan nila.
And I remember now, I clearly remember where I first met Hannah Brielle Fernandez!
“Shocks!” napapikit ako habang pinoproseso ang lahat “I told you! I told you Dwayne! She's familiar and now… now I know!”
“Because she's your step-sister?”
“No! She will never be my step-sister because she's....” my first crush! “Oh Shocks!” hindi ko maamin sa harapan ni Dwayne.
Yes! That girl was my first crush! Nakakatawa pero unang tingin ko palang noon sa kanya, nahulog na ako! Kung hindi lang namin siya pinagtataguan, baka bumababa na ako ng kotse at nakipagkilala sa kanya noong araw na yun!
“Mommy, may paparating.” sabi ko habang pinapaandar ni dad ang kotse.
“Tch! What ever! Let's just go mom, dad?” naiinip na anyaya ni Lizbeth pero ang mata ko ay nasa kararating na taxi.
Agad namilog ang mata ko noong nakita ang isang magandang babae, nakangiti habang bumababa ng taxi, maputi, mahaba ang buhok at may katangkaran. Pero kahit na nangingiti siya kanina sa taxi driver, pansin pa rin na medyo mataray siya sa itsura niya.
Napangiti ako habang pinapanood ang pagpasok niya sa bahay ni tito Carlos. This time kilala ko na kung sino ang babaeng yun, siya yung inaalagaan ni mommy at tito Carlos noong hindi pa naikasal si mommy kay daddy.
“Zacharri, anak? May naiwan ka ba don?” sabay turo ni mommy sa bahay ni Tito Carlos. “Hindi mo inaalis ang tingin mo don ah?”
“Mommy, kailan po kayo ulit magpapakita sa anak anakan niyo?” I asked.
Ngumiti siya “Mas mabuting huwag muna anak. I'm not ready to tell her everything yet, maybe when time will come, and when that time comes, I hope she can handle everything by herself na.”
Mula noong araw na iyon, humanga ako sa ganda at tapang niya. Siya ang kauna-unahang babae na hinangaan ko.
Pero nawala din yun noong hindi ko na siya nakikita lalo na at pumunta pa akong abroad and I had met different girls. Nagkaroon ako ng gf pero walang nagtatagal.
But now, seeing Brielle now, made me fall in love again, more. She's my first crush and I want her to be my first love.
Hindi tama ang pagkakataon, dahil alam kong naguguluhan at nasasaktan siya. Lalo na ngayon, pagkatapos masaktan kay Dwayne ay nasaktan din siya sa nalaman niya mula sa kanyang pagkatao.
“Nabigla talaga siya Carlos.” malungkot na sabi ni mommy habang hinahagod niya ang buhok ni Brielle.
Nahimatay siya kanina kaya dinala namin siya dito sa hospital.
__
Brielle’s POV
Nagising ako dahil sa pagkalam ng sikmura ko. Naalala kong nahimatay ako kagabi, matapos malaman na hindi ako tunay na anak ni mama Delia at Maila ang tunay na pangalan ng aking ina.
Hindi ko parin kayang paniwalaan lahat ng narinig ko kanina dahil hindi maliwanag sa akin.
Unti unti kong iminulat ang aking mga mata, kitang kita ko na wala ako sa bahay! Nasa hospital ako! At kataka takang napakalawak na kwarto ito. Inilibot ko ang paningin ko at namataan si papa na nasa tabi ko, katabi ang Mr. na naka all black suit with eyeglass. Nasa sofa sila Zac at Dwayne, naka tayo naman sa kabilang side ng bed ko si Lai at mama.
Mama? Tama bang tawagin ko siya ng mama?
“Anak gising ka na?” nag aalalangang tanong ni papa.
Bakit hindi pa umuwi ang mga ito?
Sila Dwayne at Zac, si Mr. Winbert at ang kasama niyang naka black.
Wait? Zac.
Zacharri Sison?
My whole life is a lie! All this time, bakit hindi ko na realized yun? Sison ang napangasawa ni mama. At siguro anak ni Mr. Winbert si Zac sa unang asawa niya?
Kaya ba sinasabi niyang familiar ako? Kasi possibleng nagkita na kami dati?
Napakaraming dumagdag na katanungan sa isipan ko.
“Gutom ako,” I said. Napagod ang puso ko kagabi, kaya siguro naging blanko ang ekspresyon sa mukha ko ngayon. Dahil hanggang ngayon sobrang sakit, sobrang sakit ang malaman na hindi ako tunay na anak ni mama.
Sobrang sakit din ang tungkol sa amin ni Dwayne. Kahit pa sabihin ni Dwayne na ako ang mahal niya, mukhang mahihirapan na akong paniwalaan iyon. Lalo na’t pinsan ko pa ang ex niya.
Hindi ba pwedeng isa isa lang? Masyadong maraming nakakagulat na nangyari sa loob ng isang araw!
“Thanks.” sambit ko noong inayos nila ang bed’s table at naglagay ng pagkain doon. 4 am na kaya siguro ako nagising. Pwede namang umuwi na lang ang iba pero bakit nandito pa rin sila?
“Pa, tell me everything.” banayad kong sinabi, nilalakasan ko ang loob para maging handa sa kung ano man ang hindi ko pa nalalaman.
“Pagpahingain muna ang bata, Carlos.” sabi noong naka eyeglass “Masyadong nabigla si Brielle sa nalaman niya.”
“And Pa? Who is this guy?” turo ko sa naka eyeglass “Bakit nandito pa siya?” huminga ako ng malalim “Anong kinalaman niya sa usapang pampamilya?”
Pero sa halip na sumagot ay nagpunas nanaman ng luha si papa, ganon din si mama, at ang kaninang naka eyeglass ay nagpupunas na rin ng luha dahilan para matanggal ang eyeglass sa mukha.
“Siya si Anthony Bergonia, ang lalaking mahal ng mommy Maila mo noon. Pero naipagkasundo si Anthony sa babaeng hindi naman niya mahal, kay Vhina. Hindi pumayag si Anthony dahil mahal niya si Maila. Pero dahil mahal din ni Maila si Anthony, siya na ang kusang lumayo noong sinabihan siya ng magulang ni Anthony.” sandaling napatigil si papa sa pagkukwento, at alam kong nasasaktan siya sa sinasabi niya ngayon.
Lalo na at nalaman kong, si Maila ang tunay na mahal mi papa, pero mas mahal ni Maila si Anthony, ang lalaking katabi ni papa.
“Lingid sa kaalaman ni Anthony ang lahat. Lingid din sa kaalaman niyang buntis si Maila noong iniwan siya. Maila went abroad, at doon niya inalagaan ang ipinagbubuntis niya-ikaw yun, anak. Hanggang sa isinilang ka ay inalagaan ka niya habang nagtatago sa ibang bansa, kami ni mama mo Delia ang kasama niya noon sa pag aalaga sayo.”
Akala ko hindi na ako maluluha sa malalaman ko dahil akala ko, naubos na ang lahat kagabi pero mali ako. Dahil nagtuloy tuloy nanaman ang paglandas ng aking mga luha.
“Pero dahil may sakit ang mommy Maila mo noon, nailayo ka namin sa kanya gaya ng inutos niya. Inutos niya sa amin na palakihin ka namin habang nagpapagamot siya. Kaya umuwi tayo ng Pilipinas at dito ka na nagsimulang magkamalay, kami ang nagsilbing guardian mo hanggang sa nag seven years old ka. Noong panahon na yun, mahina na ang mommy mo kaya namatay dahil sa lung cancer. Doon din yung time na iniwan tayo ni Delia sapagkat inasikaso niya ang burol ng mommy mo sa Japan. Pero bago namatay si Maila, ibinilin ka na niya sa amin, pero dahil magpapakasal na si Delia noong panahong iyon kay Winbert, nakiusap ako sa kanya na ako na ang bahalang magpalaki sayo, pero hindi siya sumuko, dinadalaw pa rin niya tayo at nagbibigay ng financial support nang hindi mo nakikita, madalas silang dumalaw noon. Hindi nga lang nagsasabi dahil mas gusto daw niyang malaman na sumama siya sa ibang lalaki kaysa malaman mo sa murang edad na patay na pala ang tunay mong ina.”
Ngayong natapos nang sabihin ni papa ang ilang bagay na nagbigay kasagutan sa akin, kailangan kong malanan ang isa pang bumabagabag sa aking isipan.
“Kaninong anak ang dinadala ni Maila noon?” I'm pertaining to myself, kaninong anak ako? “You said you loved Maila, but Maila loved Anthony and they both love each other, so...” parang hindi ko kaya, dinudurog ang puso ko habang nagsasalita kaya napahikbi ako ng wala sa oras!
“Anthony is your real father, me and Delia are your real mother’s bestfriends.”
“No way!” my voice echoed inside this room “You’re telling me that I'm a daughter of this stranger? My goodness!”
“Anak...” gumaralgal ang boses ni tito Anthony noong tinawag niya ako. Sa boses at pagtawag palang niya ng ‘anak’ sa akin ay parang nanlalambot at nasasaktan din ako para sa kanya pero wala akong magagawa kundi ang malito, patuloy na malito.
“You all, made me live my life in lies. Hindi ko na kilala ang sarili ko. Sino ba talaga ako?”
“You are Hannah Brielle, daugther of Anthony Bergonia.” ani ni mama
“Sorry for not telling you this earlier, and now I know it's the right time to tell you.”
“Right time!?” gusto kong matawa habang patuloy sa pagluha “Right time? Napagaling namang right time yan oh! Kailangan bang doble doble?!” napatingin ako kay Dwayne at sa lahat ng taong nasa harapan ko ngayon, wala akong pakialam kung makita nila akong mugto ang mata at luhaan parin, dahil hindi madaling tanggapin ang katotohanan.
Hindi ko talaga makilala ang sarili ko ngayon, at para akong bata na nagsisimulang magkamalay. Hindi ko na kinaya pa ang makita silang lahat ngayon sa harapan ko kaya napaayos na ako sa upo at umambang bumababa ng kama, pinigilan ako ni papa pero inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin. Sumubok si mama pero winaksi ko rin ang kamay niya.
Sumubok si tito Anthony at doon ako nanghina, ang makitang humihikbi siya sa harapan ko ay nagpapasikip ng dibdib ko. Gusto ko siyang intindihin dahil pareho kaming hindi magkakilala pero mag ama naman pala kami.
Niyakap niya ako pero mas lalo lamang akong napagulgol sa balikat niya. Dinig ko rin ang paghikbi niya habang niyayayakap ako sa unang pagkakataon.
Paano ko ba tatanggapin ang isang estranghero na tatay ko naman pala?
“I’m sorry, I'm sorry anak. Hindi ko alam ang lahat sa panahong iyon.” napatigil siya at nagpunas ng luha “Sana matanggap mo ako, bilang iyong ama. Babawi ako sayo anak.”
“I need space...” kalmado kong sabi at kumalas sa pagkayakap dali dali akong naglakad palabas sana ng room na ito pero bigla akong hinawakan sa braso. Si Dwayne yun.
“Magpahinga ka muna.” seryoso at maautoridad na wika nito pero inalis ko ang braso ko sa kamay niya kaya nakawala ako.
“Wala kang karapatan na pagsabihan ako. Leave me alone. Dapat nandon ka kay Hyanich ngayon.”
“No, we just talked. Please magpahinga ka muna.” dagdag pa niya.
“Bitawan mo ako, hindi ko kayang magtagal dito.” pagkasabi ko non ay naglakad na ako pero ramdam kong may sumusunod.
“I’ll go with you.” boses naman ni Zac yun.
“Ano? I-cocomfort mo nanaman ako? I'm a fool for not knowing that you are Sison!” gusto kong matawa sa frustration ko “And you're supposed to be my step brother if only I'm a real daughter of your mommy. Haha! Funny right?”
“My whole life is a lie!” dagdag ko, pagka sabi ko noon ay naglakad na akong palayo.
Paano nila nagawa sa akin to? Niloko ba nila ako o ginagawa lang nila para sa aking kapanan ang lahat ng ito?
__
Dwayne‘s POV
I wanted so bad to hug her! Pero paano? Sa harap ng kanyang kinilalang magulang at sa harap ng tunay niyang ama? Alam kong oras para sa kanilang pamilya iyon kaya wala akong magawa kundi ang manahimik at palihim na masaktan dahil nasasaktan siya.
Ang daming nangyari sa araw na to. Napakaraming nakakagulat na katotohanan sa buhay ni Brielle, at alam kong sa sandaling ito, sobrang nasasaktan siya.
Palihim ko siyang sinundan habang naglalakad pababa ng hospital hanggang sa makalabas siya. Marami na ang pumapasok sa hospital dahil mag si-six am na. Pinagtitinginan na siya ng mga tao dahil sa paghikbi at patuloy na pagpalis niya sa kanyang mga luha.
Hindi ko alam kung paano kami napadpad dito sa Quins Park, medyo malapit lang pala sa hospital ang park na to. Naupo siya dating bamboo seat kung saan kami umupo dati. Nahihirapan na siya dahil sa pag iyak niya. Kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong puntahan at yakapin siya.
“Sorry, sabi ko panoorin lang kita pero hindi ko kaya.” mas hinigpitan ko ang yakap sa kanya. Pero wala siyang naisagot kundi ang patuloy na pag iyak.
“I couldn’t even saw my real mother. Ngayon pa at patay na siya bago ko nalaman ang lahat? At si tito Anthony, paano ko tatanggapin ang isang estranghero sa buhay ko?”
Tahimik lang akong nakinig sa lahat ng sinasabi niya. Ilang minuto ang itinagal ng yakap ko sa kanya habang nagsasalita siya. Hanggang sa napagod na siya kakaiyak at nakatulog na siya sa balikat ko.
Agad kong idinial ang number ni Zac, at nagpasundo nalang ako sa kanya. Kailangan makapag pahinga si Brielle.
__
Brielle’s POV
Nagising ako ng 10 am at alam kong nasa bahay na ako. Hindi ko alam kong paano ako nakauwi, si Dwayne lang naman ang kasama ko kanina.
“Okay ka lang?” si Lai, pumasok na siya sa kwarto ko at naghatid ng meryenda.
“Kailangang maging okay Lai. Mahirap tanggapin pero makakayanan ko din siguro to.”
Ngumiti siya sa akin at umupo sa tabi ng kama.
“Alam kong matatanggap mo rin yan, Brielle. Ang sa akin lang, sana bigyan mo ng pagkakataon si Sir Anthony bilang iyong ama.”
Ilang araw kong pinag isipan ang payo ni Laila sa akin. Ang totoo niyan, madalas siyang napapadalaw dito at pinagluluto kami ni Lai ng pagkain. Gusto niya raw bumawi sa akin kaya niya ginagawa yun.
“Paano naman si Dwayne? Pinapadalaw mo si Sir Anthony pero si Dwayne hindi?” tanong ni Lai.
Mahal ko si Dwayne, mahal na mahal. Pero mahal ko din si Hyanich, kahit hindi na ako tunay na pinsan ni Hyanich, nasasaktan pa rin ako para sa kanya. At kahit natatakot at nasasaktan ako, gusto kong itigil na ang namamagitan sa amin ni Dwayne. Yun ang desisyon ko.
“Alam mo naman kung paano ko minahal si Dwayne diba?” naluluhang tanong sa akin ni Hyanich noong nakipagkita siya saakin.
“I know it’s selfish but I want my relationship with him back. I know you can do something about it. Kahit hindi na ako ang pinsan mo.”- Hyanich
Alam kong hindi mahirap para kay Dwayne ang mahalin ulit si Hyanich lalo na ngayon at magkatrabaho na silang dalawa. At ako, aalis na.
Dalawang linggo kung pinag isipan ang pakiusap ni tito Anthony.
“Sana mapagbigyan mo ako anak, lalo na ngayon at may pinagdadaanan ka pala. Kung plano mong mangibang bansa, sana tanggapin mo ang alok ko, pwede kang mag stay sa US. I have my properties there and I will be glad if you’ll accept to stay there.”
“Ano na lang po ang sasabihin ng iba? Na sinasamantala ko ang pagiging mayaman niyo bilang ama ko?” pero napailing siya.
“Please don't think about that. Please bigyan mo ako ng chance para itama ang pagkakamali ko bago namatay ang mommy mo. Ang maalagaan at maibigay ang pangangailangan mo ngayon ang makapagpapasaya lang sa akin ngayon anak.”
“Sana mabigyan mo ako ng chance.”
Yun ang paulit ulit kong pinag isipan sa linggong iyon. Maging si papa at mama ay dumalaw para lang sabihin sa akin na pagbigyan si tito Anthony. May part din sa akin na gustong makilala pa si tito Anthony kaya siguro ito na ang panahon na iyon.
“Brielle, si Dwyane napadalaw na naman, ano na ang sasabihin ko?” natataranta na ibinalita ni Lai sa akin.
“Sabihin mong magkita kami sa Quins Park mamayang 4 pm.”
Mabilis na lumipas ang oras at nandito na ako ngayon sa Quins Park. Nakita ko siyang nakatayo at nilalaro ang susi ng sasakyan niya habang ang isang kamay ay nakalagay sa bulsa niya, batid kong pinapanood niya ang mga batang malaya sa paglalaro. Nakatalikod siya sa akin.
This time, I decided to face my fear, alone.
“Dwayne...” pangalan palang parang dinudurog na ang puso ko.
“Brielle...” mapungay ang kanyang mga mata noong humarap na siya sa akin. “Bakit ngayon lang?” patungkol sa pakikipagkita ko sa kanya.
“Dahil magpapaalam na ako.” deretsahang sagot ko. “Alam kong minamahal mo si Hyanich at alam ko kung paano ka nasaktan noong iniwan ka niya, at ngayong nandito na siya, I'm hoping that you two will be together again.”
“Brielle, ano bang sinasabi mo. Hindi ko na siya mahal. At alam yun ni Hyanich. Please don't say things like that.”
“In your story, I'm just a chapter, because in the first place, she's your prologue so now, continue your story with her until the epilogue.”
“No...” mabilisan siyang umiling at naglakad palapit sa akin, pero lumayo ako “No, Brielle. Please don't do this.”
“I love you and I fear of losing you.” panimula ko, tinapangan ko ang loob ko para sa salitang ito “But I love you to face my fears for you. I'm setting you free, Dwayne Alfie Velasco.”
Umuwang ang kanyang labi at napa kurap-kurap siya sa sinabi ko. Pero bago pa siya makapagsalita ay tumalikod na ako sa kanya. At doon ko naramdaman ang mga butil ng luha na nagsilabasan na. Pinunasan ko ito at dali daling sumakay sa itim na sasakyan, pinasundo ako ni tito Anthony at ngayon… ngayon din ang flight kong papuntang US.
“I love you and I fear of losing you. But I love you to face my fears for you. I'm setting you free, Dwayne Alfie Velasco.”
To be continue...
| Title: | Fears In Love; Part 12 (Stranger) |
|---|---|
| Author: | |
| Date Published: | 02.26.22 |
| Cover photo: | Edited in Canva |
A/N: Hello kung may nagbabasa. 😄👋 I just really want to publish some stories, may nagbabasa man o wala. Maganda kasi sa feeling kapag may nabuong piece of stories. So I'm happy if you're reading. Thanks a lot!
Malapit na po ang ending, sana po subaybayan niyo.🤗