Hindi makapaniwala si girl na nasa harapan nya si boy, dumating nga ito at halata ang pag-aalala sa mukha nito. Hindi nya napigilan ang sarili kaya niyakap niya ito ng mahigpit at umiyak sya dahil sa naghalo-halong emosyon. Naalala nya, hindi na nga pala sila ni boy kaya nahihiya syang bumitaw at nagsorry. Pinapasok nya ito sa kwarto at nagpaakyat din sya ng makakain nila.
Habang kumakain inaasikaso din sya nito, namiss nya ang ugaling ganun ni boy. Ang dami din nitong tanong, kung okay lang ba sya, kumusta na daw sila ni Sign at kinumusta din nito ang kanyang work. Oo nga pala, ang dami na nilang hindi alam sa isa't isa, sinagot naman ni girl lahat ng tanong nito. Pero wala syang lakas ng loob na magtanong tungkol sa babaeng nakita nya na kasama ni boy.
Inakala niyang hindi magtatagal si boy doon pero hindi pa rin umalis. At dahil silang dalawa lang sa kwarto natukso sila sa isa't isa. Hindi naman na bago sa kanila na magkatabi dahil kahit noong sila pa nagkakatabi na sila. Iba din yung ngaung sitwasyon nila kaya nai-ilang si girl pero ito naman ang gusto nya.
Pumikit si girl, nahihiya sya kay boy kaya nagkunwari syang natutulog. Isiniksik nya pa ang katawan sa katawan nito, nakayakap ito sa kanya, iniisip kaya nito yung babae? Parang kinurot ang puso nya, bahala na bukas! ang mahalaga ngayun kasama nya si boy.
image source
Si boy, yakap-yakap nya ang natutulog na si girl. Di pa rin ito nagbabago, kahit magkasama sila mabilis pa din itong nakakatulog. Nana-naginip ba sya ngayun? Sana hindi at kung oo man sana hindi na sya magising. Ang sarap sa pakiramdam na kasama nya si girl, sana hindi na dumating ang umaga para ganun lang sila, magkayakap. Gusto nyang malaman ni girl na si girl lang ang kailangan nya, na sa tuwing nakatingin sya sa mga mata nito nakikita nya ang walang-hanggang pag-ibig nya kay dito. Gaya ng sabi sa isang kanta " I see forever when I look in your eyes, You're all I ever wanted, I always want you to be mine. Ganu na ganun ang nararamdaman nya ngaun. kaya sisiguraduhin nyang hindi na sila magkakalayo ni girl sa pagkakataong ito.
Nagising si boy, malapit na palang mag-umaga, bigla niyang kinapa si girl. Sana hindi ito umalis, napangiti sya andun nga si girl, himbing pa din ito. Tulog mantika talaga ito, napapangiti sya. Inistorbo nya ang tulog nito at naulit muli ang nangyari sa kanila ni girl kagabi. Wala syang pinagsi-sisihan handa syang hingin ang kamay ni girl sa magulang nito kahit bukas na bukas din.
Ito na nga kaya ang happy ending nila? O merun pa din kayang humadlang sa kanila? Abangan po yan.
Ito po ang mga nakaraang chapter ng kwento:
Chapter 1: https://steemit.com/story/@lynbabe10/ako-ba-ang-nagkulang-o-ikaw-ang-di-lumaban
Chapter 2: https://steemit.com/story/@lynbabe10/how-do-you-heal-a-broken-heart
Chapter 3: https://steemit.com/story/@lynbabe10/pinaglalayo-nga-ba-sila-ng-tadhana
Chapter 4: https://steemit.com/story/@lynbabe10/bagong-pag-ibig-ba-o-panibagong-pagkabigo
Chapter 5: https://steemit.com/story/@lynbabe10/masakit-na-kabanata-ng-pag-big!
Chapter 6:
https://steemit.com/kwento/@lynbabe10/surpresa-ng-pagmamahal-from-boy-with-love
Chaoter 7:
https://steemit.com/story/@lynbabe10/sana-ako-na-lang-sana-ako-parin-ako-na-lang-ulit
and to all na nagsusubaybay sa kwentong sinusulat ko..hindi ko na kayo iisa-isahin pa, maraming thanks po.
Please follow, upvote, and reesteem po.. Salamat