Namulat ang mga mata sa mundong maputla
Pagmamahal ng magulang ay maagang kinuha
Walang sagot sa mga hinala
Kung bakit ako maagang naulila
Araw araw na nagdarasal
ng himala sa Maykapal
na hindi mapunta sa daang masukal
at naway magkaroon ng mabuting asal.
Mga pagsubok sa buhay
Mag-isa kong hinimay himay
Walang humpay na lumbay
Sa tuwing naaalala ang tinatahak na buhay
Laging iniisip na hindi ako nag-iisa
may karamay parin ako sa tuwina
mga nagmamahal at sumosuporta
ang siyang malaki kong gantimpala.