Ating pagmasdan ang ating kapaligiran
Simoy ng hangin na kay sarap sa pakiramdam
Halaman at bulaklak na kay gandang pagmasdan
Likha ng Poong Maykapal sa atin ay lumalang
Mga naglalakihang kagubatan ating kayamanan
Pinagkukunang hanapbuhay at tirahan
Ngunit mga puno sa kagubatan ngayon ay nasaan?
Ang dating madami ngayon ay pawala na ng tuluyan
Sa ating lugar tingnan ang mga katubigan
Sa mga taong uhaw nais pa kayang tikman?
Mga isdang dati ay masiglang lumalangoy
Ngayon mga nakalutang na walang buhay
Habang may pagkakataon tayo ay kumilos
Likha ng Maykapal wag hayaang maubos
Kapaligiran ating bigyang pansin at pagyamanin
Upang sa ibang henerasyon ito'y pakinabangin