Hindi ko na alam kung gaano katagal ang pagkaway
Sa papalayong bangka ng mahal kong tatay
Ayaw umalis sa kinatatayuan hanggat tanaw ang tela sa bangkang yumawagayway
Ang hampas ng alon at aking luha'y sabay na dumadaloy
Tuwing aking kaarawan, si ate, kuya, nanay at tatay ay may inaabot
Isang simpleng bagay na nakabalot
Ngunit may isang bagay na sa puso ko'y may kurot
Isang puting bestida na paboritong isuot
Lumipas ang mga araw, buwan at taon
Hindi ko na nasilayan si tatay mula noon
Sa dalampasigan laging syang hinihintay tuwing dapit hapon
Umaasang masisilayan ang bangka sa dako pa roon
Sa tuwing may espesyal na okasyon ito'y hinahagilap
Ang puting bestida sa damitan ko'y binubuklat
At kapag ito'y suot ramdam ko ang yakap
Magbalik ka na tatay lagi kitang hinahanap
Sa eskwelahan ako'y kanilang pinagtatawanan
Walang bagong damit, bestida ko daw ay palitan
Maliit at masikip na ang bestida kaya nila pinagtitinginan
Ang damit na ito ay importante bakit hindi nila maintindihan
Ngayo'y alam ko na dahil sa paliwanag ni ina
Ang lumang bestida dapat kong itago na
Hindi nangangahulugang kakalimutan ko na
Alaala ng huling regalo ni ama
xoxo,
Salamat po sa pagbabasa ng aking tula!
Sundan akong muli sa para sa mga susunod ko pang tula ng buhay.