"Panahon ng Tag-Ulan"
Panahon na naman ng tag-ulan
Magsisimula na naman ang iba't-ibang karamdaman
Kaya't para ito ay maiwasan
Uminom ng bitamina kung kinakailangan
Naririnig ko na naman sa aming bubungan
Ang malalakas na patak ng ulan
Sasabayan pa ng malakas na hangin
Na nagiihip ng anggi papunta sa akin
Mga batang nagtatampisaw sa baha
Hindi alintana ang makukuhang sakit na malala
Kaya mga magulang inyong pagkaingatan
Mga anak niyong dapat nasa bahay lamang
Payong at jacket ay huwag kakalimutan
Upang ika'y hindi mabasa ng patak ng ulan
Kung ika'y pupunta kung saan man
Ibayong pag-iingat ang iyong kailangan
To give
your witness voting decision, visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.