Ang aking Ina
Ang Aking Ina ay maganda, siyang tunay, hindi lang sa loob kundi pati labas
Ako man ay may balbas siya ay hindi balasubas, lahat ng buti sa amin pinamalas
Ako man ay malakas, malakas kumain, sapagkat ang aking Ina ay masarap maghain
Ako man ay mataba ako ay huwag usigin dahil sa tuwina busog ako sa pag-ibig.
Ang Aking Ina ay walang iba, tala sa gabi, tala sa umaga, ilaw sa mundo ng lumbay
Ang aking Ina ay biyaya ni minsan hindi siya nagwika na ako ay timawang utak biya
Ang aking Ina ay magalang, kahit sa mukang bata o kahit sa mukang manang
Ang aking Ina ay makabayan, mula kay ingkong na bayani ng ikalawang digmaan.
Ang aking Ina ang ilaw, ilaw sa gabing mapanglaw,
minsan man ako ay tungaw nariyan siya upang huwag akong mapugnaw,
mapugnaw sa mundong puno ng mapagpaimbabaw,
alam ko na ang ilaw ng aking Ina ay kalianman hindi magmamaliw,
magmamaliw tulad ng isang bulalakaw na minsan lang sa buhay naming mabababaw,
mabababaw na sa isang ngiti niya lang kami ay masaya, kaya ngayon kami ay malalaki na at umaapaw,
umaapaw na ang mithiing siya ay masuklian sa bawat araw na iyong tiniis noong kami ay musmos pa at noong araw, noong araw naaalala mo pa ba? noong ako ay nadapa dali dali kang umalalay kasabay ng mapusyaw,
mapusyaw mong tinig na nagsasabi, anak tahan na nandito na ang iyong ina, gagaling kana sabay pahapyaw,
pahapyaw na dampi ng iyong mga labi sa aking may sugat na binti at ako maayos na at napapawow, napapawow sa iyong taglay na mahika na sadyang pambihira tulad ng dilaw,
dilaw na sinag ng araw sa iyong pisngi na kay gaang pagmasdam o aking ina ikaw ay dakila,
dakila na marapat lamang na hindi lang isang araw gunitain ang katulad mong ilaw sa gabing mapanglaw.
Ang tula mang ito ay walang sukat ngunit siguradong mula sa puso ang bawat letra,
bawat letra na binalangkas para lamang sa nag iisa kong magandang Ina,
magandang ina na siguradong matutuwa pag nalaman niyang iginawa ko siya ng tula,
Tula na tunay na kaibig-ibig sa bawat mambabasa, mula sa makatang may ina,
May ina na walang katulad walang sinabi si Maria Clara at Mona Lisa walang iba,
Walang iba kundi ang aking Ina, Valen Sebastian, Ina ng makatang mula sa bayang taga salo ng baha.