"Carinderia"
Tula patungkol sa carinderia o malimit na sabihing turo-turo
Sa araw-araw kong nakikita
Dito mga tao'y madalas nakapila
Kanya-kanyang turo sa gusto nila
Mamaya na ang bayad, kain muna
Ang tawag dito ay carinderia
Sari-saring pagkain ang makikita
Iba naman ang tawag ay turo-turo
Siguradong dito ika'y mabubusog
Merong nilaga, sinigang at menudo
May pritong isda at meron ding mechado
Pero isa sa aking paborito dito
Ay ang pinalamanang isda na tawag ay relyeno
O kay sarap ng mainit na kanin
Talagang ika'y mapapalakas ng kain
Mayroon pa silang libreng sabaw
Tingnan mo ang iyong pinggan, tiyak umaapaw
Sakto ngayong tag-init
Ang yelong malamig ilagay sa tubig
Heto na ang silya at tayo'y maupo
Halika, saluhan mo ako "Kain po"
To give
your witness voting decision, visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.