"Tongue Twisters"
Isang maikling tula patungkol sa mga nakakalitong mga salita nating mga Pinoy
Gusto mo bang ika'y mabulol?
O kaya'y dila mo'y magkandabuhol?
Halika't bigkasin ang mga salitang ito
Tiyak ang utak mo'y magkakandalito
Suman, siomai, siopao
Bigkasin ng mabilis at paulit ulit tiyak sasabihin mo'y siomao
Pagkatapos nong mabasa'y alam kong iyong susubukan
Sasambitin ng paulit ulit hanggang ika'y matawa na lang
Pitumpu't pitong puting tupa
Ang dulo'y sabihin lang ng tama
Huwag na huwag mo lamang gagawing mura
At baka ika'y pagalitan ng makarinig na matanda
Mga Pilipino nga nama'y madaming pampakwela
Na hatid sa ati'y sandamakmak na tawa
Ensayuhin lang at makukuha ng tama
At para makaganti ay ipagawa din sa iba
To give
your witness voting decision, visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.