"Word Poetry Challenge # 1 Entry"
"Larawang Kupas"
Ako nga ba'y namamalik mata?
Kanina ay nariyan ka lang ngunit wala
Ilang ulit akong naglilingon
Nagbabakasaling ikaw pa'y naroon
Saan mang sulok ika'y hinahanap
Nananalangin na ika'y muling makaharap
Sinta, magiisang taon na din ng ika'y lumisan
Ngunit puso ko sayo ay naiwan
Larawang kupas sa akin ay natira
Naglalaman ng masasaya nating ala-ala
Ngunit imahe dito'y unti unti nang nabubura
Dahil sa mga patak ng aking mga luha
To give
your witness voting decision, visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.