Mt. Tabayoc, Kabayan Benguet
May 27, 2018 )
Sabado, ika-sampo ng Marso:
Lunch break na nun, kakatapos ko din sa isang mahirap na case at hindi ko inaasahang pupuntahan mo ko sa clinic. Nagpapahinga ako nung bigla mo akong hinila palapit sayo, halik sa noo ko at sabay “hello baby, namiss kita” pagkatapos nun ay niyakap mo ako ng mahigpit, amoy-amoy ang isa’t isa kahit na puro pawis eh okay lang, mga katawan natin ay naging isa sa isang mahigpit na yakap, walang nagsasalita at nakayakap lang tayo ng halos sampung minuto.
“I love you baby” bulong mo sakin.
Lumayo ako konti at tinignan ka, hinaplos ang mga pisngi sabay malumanay na pitik saiyong ilong, tumingin sa mga mata- matang kumikinang habang nakatitig sakin, mga matang di ko mawari ang gustong sabihin sabay bigkas ng mga salitang
“I love you too baby” at halik sa labi mo.
Sana tumigil ang pagtakbo ng oras nung araw na yun; sana hindi tayo bumitaw; sana.. kung alam ko lang na yun na ang huling pagkakataon na mayayakap kita, sana hindi na ako bumitaw. Sana...pero kailangan.
Patawad kung hindi ko nagawang ibigay sayo ang lahat.
Lahat ng bagay o pagkakataon na dapat sayo, nailan ko sa ibang bagay.
Patawad kung hindi ako selosa.
Ibig sabihin lang noon ay malaki ang tiwala ko sayo.
Patawad kung hindi kita nakayanang supportahan.
Supportang nahanap mo sa iba.
Patawad dahil sumuko na ako.
Sumuko sa pagnanais na maibabalik pa ang dating tayo.
Patawad kung hindi ko naiparamdam sayo na mahalaga ka saakin.
Halagang nakita mo na sa iba.
Patawad.
Pasensya na po kung ngayon ko lang naituloy ang kwento dahil masakit. Masakit isipin na yung taong minahal mo susuko nalang ng ganun ganun lang. Ayoko ng ikwento ang buong pangyayari dahil wala na yun, tapos na. Okay na, okay na ako. Salamat. ❤️ 😁