Isinulat ni: Jon Jun F. Ignacio
Habang nakaapak ang kalahating dako ng talampakan
Sinasambit ng mainit na hanging nagngangalit
Ang bulong na pulido't may pagkalinga
Sa sandaling tumutunog ang mga agilang matatayog
Tila lumalakbay ang mga matang nakaupo
Dito sa maitim na bukirin na Alaporo
Siguro'y nagkulang sa buwanang hilik
O di kaya naman sa tuwirang pamamahinga ng utak
Bumubungad ang kindat ng mga humahalakhak na tinik
Kulang na lang sa binti't mananakit
Paunmanhi'y makintab ang ugat sa puso
Daig pa nito, mga alyansa ninyong itinayo
Maaaninag ko ang biglaang paggalaw sa kalayuan
Hitik sa liwanag ang kulay ng balat
Nakakubli sa bahay-bahayang matikas
Pinagtagping makunat ang sumisintas
Likod ko'y parang lindol sa nginig
Tanging diwa ang labanan sa nakaambang digmaan
Lupigin ang kagutuman sa bayang marilag
Supilin ang banta ng kamatayan