Sa mga mahal kong kababayan, hayaan nyo pong ipakilala ko sa inyo ang aking sarili. Ang aking pong pangalan ay Red Dayao. Ako po ay isinilang, lumaki at patuloy na naninirahan sa makasaysayang probinsya ng Bulacan. Sumapi ako sa steemit noong ika labing walo ng hulyo taong kasalukyan. Ito po ang aking ika dalawamput siyam na araw sa kuminidad na ito. Makailang araw pagkatapos kong sumapi, hinikayat ko ang aking kabiyak na si na subukan din ito.
Ako po ay nagtatrabaho sa isa sa mga pinakamalalaking kumpanya sa industriya ng BPO, samantalang si naman ay namamalagi sa aming tahanan upang pangasiwaan ang papalaki sa aming dalawang anak, at ang aming mga pamumuhunan sa ibat ibang bagay upang maabot ang aming pangarap na makapagtayo ng maliit na sarili naming hanap-buhay.
Makatapos ang dalawamput siyam na araw sa steemit, ang kinita naming dalawa ay sapat na para mabayaran ang aming bayarin sa tubig at internet. Kami ay parehong nasisiyahan sa steemit at umaasang ito ay isa sa mga magiging daan para kami ay patuloy na makatulong sa ating mga kababayang nangangailangan. Kami po ay namamahala ng tatlo hangang apat na pagkakawang-gawa sa bawat taon. Ang dalawa pong pagkakawang gawa sa nakalipas na taon ay aking ibinahagi dito at nakalikom ng nakasisiyang halaga. Narito po sa baba ang pagbabahagi ko ng dalawang nakalipas na pagkakawang gawa:
Charity Event #1 - Golden Acres Home for the Aged
Charity Event #2 - Kalantiaw Elementary School
Sa isang salaysay na aming ibinahagi sa inyo, ipinakita ko po ang aking pagunlad sa kumunidad na ito. Malayo pa po ang aming lalakbayin upang matawag na tunay na matagumpay. Ang layunin po ng pagbabahaging ito ay hikayatin ang lahat na magpatuloy kahit na hindi kabilisan ang pagunlad. Pinakamahirap ayon sa aming karanasan and unang mga linggo, gayong pagkatapos naman nuon, madarama na ang pagunlad.
Steemit Experience Day #24 - Stats Updates & Lessons Learned
Steemit Experience Day #26 - Why Is It Important To Keep Going in Steemit
Sa mga susunod na linggo nais po naming manghikayat ng mga kaibigan at kakilala na sumapi din sa steemit. Aming pinagiipunan ang mga kagamitan upang maging mahusay at kahalihalina sa mga tao ang gagawin naming panghihikayat. Sa mga kababayan naming taga Bulacan na makakabasa nito, mangyari po lamang na magkumento para tayo ay makapagkita-kita at makakila-kilala.
Bilang pagtatapos, nais ko pong lubos na magpasalamat sa lahat ng sumuporta at patuloy na sumusuporta sa aming magkabiyak. Unang una ang aming mga kaibigan sa #teamphilippines , ,
,
,
,
, at mga kaibigan sa Peace, Abundance, and Liberty