"Ayan na ang ulan, mukhang babagyo na! Sisilong ba tayo o magpapaulan?
Mukhang hindi naman malakas, mukhang ambon lang naman
Ayokong mabasa, ayokong maligo at magpalit ng damit
Uwi na tayo ayokong malamigan."
Kumulog, kumidlat, tumakbo ka ng mabilis at mas mabilis
Ngunit malayo pa ang bahay para makasilong
Puro kagubatan at mga kakahuyan lang ang nasa kapaligirin
Kumulog ulit ng napa kalakas, parang magigiba ang langit.
Takbo! Hinigingal ka sa ginawang mong lakad at takbo
Pero ng malapit ka na sa bahay ay hindi naman umulan
Makulimlim lang ang ulap at mukhang nanadya lang
Nakahinga ka ng maluwag dahil akala mo ay bubuhos ang malakas na ulan.
Parang buhay natin mga kaibigan, minsan akala natin
Ang bagyong paparating ay napakalas, mga ulan na hindi mo inaasahan
Mga probemang dumadating na akala mo wala ng katapusan
Ginising ka lang pala ng Amang nasa langit para sabihin sayo...
Na hindi lahat ng problemang dumarating a buhay mo at dapat mong takbuhan
Lumakad ka, at huwag ka munang sumilong, hindi naman lahat ng suliranin sa buhay
Ay nakakalunod kundi ito ay tanging aral lamang
Sya ang may remote control kung gusto nyang patilain ang ulan.
Huwag mong sukuan kahit anong pagsubok yan
Minsan mas mabuting mabasa sa ulan
Para maranasan mo ang mga bagay na magpapalago sa yong katauhan
Dahil sabi nga, lahat ng pagsubok ay malalampasan
Dalangin sa Maykapal at tatag ng loob ay iyong kailangan.
Huwag mag reklamo kung walang agad kasagutan, bagkus magpasalamat
Lahat tayo ay may kanya kanyang krus na pasan sa buhay
Ang mga problema ay naglakas ng iyong pananampalataya
Lahat ng ito ay isang pagsubok lang......
Keep shining everyone.
Please continue to support
If you haven't voted your witness yet, vote Terry now!
Write >>>https://steemit.com/~witnesses
This post was made from https://ulogs.org