"Malaki"
Sabi nila na kung mas malaki, mas maganda
Na kung mas malaki, hindi masama
Kung mas malaki, mas mabuti
At kung mas malaki, sobrang pinupuri
Ngunit di lingid sa kanila
Na kung mas malaki, hindi kasya
Kung mas malaki, di ka aya-aya sa iba
Kaya wag maging bulag sa katotohanan
Na hindi lahat ng malaki ay tinutularan
May pagkakataong ikay sinusubukan
Na pumili sa malaki dahil ikay nakakalamang
Ngunit isipin mo rin na
Kung malaki ang natanggap, malaki rin ang makukuha
Di ko naman sinasabi na maliit ang mas maganda
Ang gusto ko lang ipahiwatig na pumili ng sapat na
Wag maging malaki sa iba
Dahil masakit ang iyong pagbagsak sa ibaba.
Naway nagustuhan niyo ang aking gawang tula. Subaybayan pa ang mga kapanapanabik na mga gawa na dito lang sa steemit mailalathala. Maraming Salamat!
Previous Filipino Poetry
Image Taken from Unsplash