Sa isang di maipaliwanag na pangyayari nagkaroon ng peste sa isang baryo. Sinalanta ang kanilang mga pananim ng mga balang, na kumain sa aming mga mais at palay na asana ay hahanguin na sa mga susunod na araw.
Madarama mo ang hinagpis ng mga tao habang unti-unting nakikita nila ang pagkawasak ng kanilang kabuhayan.
“Iniwan na tayo ni Bathala!” Sigaw ng isang matandang babae na tumatangis dahil ang kaniyang mga pinaghirapan ay nawala sa isang kisapmata.
Ilang araw ang lumipas at tumigil din ang mga balang sa pamiminsala. Isang epidemya ang kumalat dahil sa kakulangan ng nutrisyon ng mga taga bayan. Sa kanilang pagkalugmok ang Orakulo ay dumating at nagsabing ang nangyari sa kanilang bayan ay isa lamang sumpa at ito ay mula sa nagngangalit na espiritu ng kalikasan. Ang aming paglimot sa kaniya ang dahilan kung bakit isang trahedya ang aming kinahinatnan.
Niloob ni Bathala na ito ay mangyari ,turan ng Orakulo kaya’t ang tanging lunas ay isang alay na magmumula sa bayan. Isang dilag sakdal ang taglay na ganda ang kaniyang nais para kami ay patawarin. Ang lahat ay napatigil, napaisip kung ang mga winika ng Orakulo ay siyang tunay sa kadahilanang hindi din sila nakakatiyak na ito ba talaga ang kalooban ni Bathala. Ngunit mabuti na ito kaysa wala silang gawing bagay, kailangang ibsan ang poot ng mga espiritu dahil sa susunod daw na kanilang pananalasa ang bayan ay magiging bahagi nalang ng kasaysayan.
Napagpasyahan ng konseho na si dalagang Diwali ang iaalay para sa mga espiritu. Maliban sa kaniyang taglay na ganda ay may angking talino din. Bago siya umalis ay isang dasal muna ang inialay para sa kanya, alam nila na ito ay masalimuot ngunit wala kaming magagawa buhay ng nakakarami ang nakaatang dito at tanging siya napipisil para gawing alay dahil nasiguro nila na sila ay maliligtas sa kanilang handog.
Dama ng bayan ang poot sa mga mata ni dalagang Diwali habang inihahatid siya sa lugar ng Orakulo. Pagkatapos nilang mag gayak, sila ay lumisan na at tumungo na sa kakahuyan upang ialay ang nasabing dilag.
Lingid sa aming kaalaman, ang Orakulo pala ay tunay na mensahero ni Bathala. Ito ay isang pagsubok lamang sa aming bayan at huli na ng nalaman namin iyon dahil sa sila ay nabigo. Dito nalaman ni Bathala ang tunay na kalooban ng bayan na sila ay handang magsakripisyo ng ibang tao para sa kanilang ikakaginhawa.
Tanging si dalagang Diwali lamang ang nakaligtas sa nangyaring trahedya at siya ay nanatili sa kakahuyan bilang babaylan. Lahat ng may buhay sa bayan ay nagbalik sa pagiging abo mula sa tao, halaman at hayop, tanging kagamitan at kabahayan ang nanatili. Si dalagang Diwali naman ay naging isang mistika na gumagamot ng may sakit, gamit ang kapangyarihan na binigay ni Bathala ay nag papangaral sa iba na sa lahat ng pagkakataon laging magtiwala ay huwag maging makasarili dahil may hangganan lahat.
Bilang ng mga salitang nagamit ayon kay MS Word 479
Pinagkunan ng unang larawan
Ikalawang larawan
Ikatlong larawan
Ika-apat na larawan