Para sa SBD! At may maipost ngayong araw ako ay sasali sa patimpalak ni Tropang ang challenge ay mula sa temang Larawang Kupas , gumawa ng isang tula na konektado dito. Aking naisip na gumamit ng mga talinghaga rin sa tulang ito para mas mapaganda pa ang mensahe at ginawang apat na saknong na may labin-limang pantig ang bawat isang linya.
Gunita ng nakaraan ay kay sarap balikan
Nahuling sandali sa ating kupas na larawan.
Aking pinagmasdan iyong payak na kagandahan.
Bigay kong lobo na korteng puso 'yong naibigan.
Sa araw na yaon, akala'y di ka na darating
Namuti ang mata sa sinabing tagpuan natin
Iyong sambit ikaw ay nahirapan sa pagtakas
Magulang ay tutol dahil sa ako'y talipandas.
Balitang kutsero ika'y aking pineperahan;
Kaya't ikaw ay ikinulong sa inyong tahanan.
Itong larawan na lamang ang aking naitago;
Magbukas ng diddib iyan sana ang aking plano.
Tanging kalungkutan at dusa ang iyong natamo;
Malayo sa ngiting kay tamis sa lumang litrato.
Kaya't habang minamasdan ang kupas na larawan.
Ako'y nagsisisi at 'di kita naipaglaban.
Mga salitang hindi madalas gamitin :
Talipandas - hindi katiwa-tiwala
balitang kutsero - hindi totoong balita, tsismis o kwentong gawa-gawa lamang.
Magbukas ng diddib - ayain ng pagpapakasal/ magpropose para sa mga kalalakihan.