Eto na naman po tayo mga kababayan. Ang inyong lingkod, naglilibot at naghahanap na naman ng mga pagkaing mura at masarap pa.
Ang nakikita nyo pong parang pabilog na tempura ay tinatawag na KWEK KWEK. Ito ay kinagigiliwang "street food" ng mga pinoy.
Napakasimple lang ng sahog at proseso sa pag gawa ng kwek kwek. Isawsaw ang itlog sa hinalong harina, pinulbos na atsuete, paminta at tubig tapos i prito ilang minuto at pwede i enjoy ang kwek kwek. Wag kalimutan isawsaw sa paborito nyong sawsawan na may halong suka, sibuyas at konting sili. :)
Wag lang po malito sa kwek kwek at tokneneng. Ang pinagkaiba lang nila ay ang itlog na ginamit.
Itlog ng pugo - KWEK KWEK
Itlog ng manok - TOKNENENG
Maraming salamat po. Kain po tayo!!! ;)
ANG SARAP NG BUHAY....u
(LIFE IS GOOD... u)