Eto ang kakambal ng Sugo ng demonyong Emperador Light. Spell Swabe?
S - Emperador
W - Deluxe
A -
B -
E -
Oo sobrang swabe. Sa sobrang tamis neto magkakadiabetes ka kada shot mo. At sa sobrang sarap, maaadik ka pa dito kesa sa syota mong ilang beses mong sinabihang adik ka sa kanya. Full of lies ka motherfucker
Eto talaga hindi mo pagsisisihan. Pwede mo gawing chaser to tapos uminom ka ng mas hard para pagkatapos ng session niyo e bumubula na bibig mo. Basta eto ang pinakapaborito ko sa ngayon. At hindi ito full of lies, motherfucker.
C2 o kaya coke yung madalas na chaser neto. Pero mas masarap pag OTR kasi mas dama mo yung tamis niya. Parang inubos neto yung tamis ng empi na demonyo tapos sinalok dito sa alak na to.
Sa hagod, aba puta nakakarelax yung hagod neto. Puro papuri na lang sinabi ko diba? Pero pag nakarami ka neto ang sama ng hangover promise. Dun na papasok yung linyang "Hindi na talaga ako iinom kahit kelan" tapos after 3 days mag-aaya ka na naman. Full of lies ka talaga e.
Recommendations:
- Wag ka magwawala pag nakarami ka neto please lang
- Wag ka ding madamot sa tagay baka solohin mo to e
Lasa: 9.8/10
Tapang: Maamo pa to sa girlfriend mong busog.
Chaser: Coke, o kahit yelo pa