TADAAAAAHHHHH! Presenting my artwork! Charot! hahaha 😂
Namamangha lang ako sa sarili ko dahil marunong na akong gumuhit. Noon kasi hindi ako marunong mag drawing pero simula noong nagturo ako sa KINDERGARTEN natuto ako magdrawing .😊
May talent din pala ako mag drawing ! Yehey! Noon kasi takot ako mag turo sa mga kinder dahil nga hindi ako marunong magdrawing. kaya nagpapa drawing lang ako sa mga kaibigan ko.Pero pag pala nasa sitwasyon kana na wala ka nang maaasahan kundi sarili mo napipilitan kang matuto.
Sana sa hinaharap ay maging magaling na akong mag drawing at sana may madiskubrehan pa akong mga bagay tungkol sa sarili ko na kaya ko palang gawin.