Hello Guys...
I am a Mommy of three 3. May mga panahon talaga na sa daming nating ginagawa naliligtaan na nating mag ayos. Pero lahat naman tayo "TAKOT" maging "LOSYANG"... That word "LOSYANG" is so scary diba? ayaw nating sabihan tayo na losyang. In my point of view i mean sa akin lang ha nahihiya akong makita ako ng mga relatives, batchmates, classmates ko na losyang na ako tapos pupunta tayo sa Mall nakita mo sila sobrang sexy nila tapos mukhang mga mababago... Tapos ikaw? Anong nangyari teh? hagard na hagard ka parang pasan mo na ang mundo. Hindi din natin maiiwasan na mapag uusapan ka at sabihing "oi friend si ano nakita ko siya bat ganun losyang na talaga siya" hayyyy nako girl.. hindi pwede yan... ibangon mo ang Ganda mo!!! magpa ganda ka para sa sarili mo, para sa mga anak mo at para sa asawa mo. Alam mo ba na happy talaga ang mga anak at asawa mo pag may nakaka appreciate sayo na maganda ka o blooming ka. Hindi rason ang kulang sa budget girl. Kahit polbo, lipstick at pang kilay lang on the go kana hindi kana mag mumukhang hagardo versosa...
kung on a tight budget ka talaga yong polbo lng ng baby mo tapos maraming lipstick na mura lang 'wag lang yong fake girl. meron manang mga liptick na hindi umaabot ng 100pesos. yon na rin ang gawin mong blush on mo pati pang eyeshadow kung feel mo mag eyeshadow tapos Girl kilay is life kaya hindi dapat mawawala sa listahan ang pang kilay merong mga below 100pesos na pang kilay girl like EB, Nichido, Sansan etc. depende ano gusto mo. Wala kanang rason para magmukhang Losyang girl sa pabango gamitin mo narin yong cologne ng anak mo para tipid talaga.
Mga rason:
Wala akong budget pang paganda - Polbo, Lipstick, Eyebrows lang sapat na girl
Hindi ako marunong mag makeup - merong mga makeup tutorial sa youtube pwede kang manood sa kanila simulan mo sa "No makeUp, MakeUp Look" merong mga Filipino Youtuber piliin mo tagalog girl para swak na swak..
Wala kaming internet para makapanood - merong mga computer station sa malapit o tinatawag na "Peso Net" mg hulog kalang ng peso or 5pesos makakapanood kana..
Kung gustong mg paganda maraming paraan.
Simulan mo na ngayon 'wag mo ng ipagpabukas pa Ibangon natin ang iyong Ganda :)
Please comment and like if may katuturan ba ang sinasabi ko hahahaha
If you like me to make a new post for skin care na Lakas makatipid please Comment po Salamat po
#ibangonangganda
Visit me:
https://twitter.com/jersiebabe
https://www.youtube.com/channel/UCDd2cOkGXAmp1y0ehqiQJog?view_as=subscriber&pbjreload=10