Ampalaya? Bitter nga ba maging ampalaya? Hmmm. Well bes! Depende yan! Ang ampalaya napakapait, mapait mapait lang ng konte.
Kamusta naman kapag tao na ang naging bitter? Yung tipong yung sweet na relasyon, nawawalan ng sweet sensation pag bitter ang nakasalubong. Ang ampalaya, kahit na pabitter bitter lang yan, kahit na napakapait ng lasa nyan, sa loob looban naman, hindi yan puro kapaitan, meron din mabuting intensyon yan.
Ang ampalaya maraming bitamina, maraming sustansya, at higit sa lahat, ang buhay ay hahaba at sasaya. Ganyan naman talaga, the good things aren't the easiest to get, kasi kahit healthy ang ampalaya, pagdadaanan mo muna ang pait ng lasa nya.
Napakarami nitong vitamins, ranging from iron, potassium pati nadin vitamin C at magnesium! Magaling pa to sa pagpapababa ng blood sugar. Oh diba, mapait talaga.
Nakakatulong din spang ampalaya sa iba't ibang uri ng sakit, kaya parang package na ito. Puro vitamins, nagpapalakas ng katawan at lumalaban sa sakit! Ganern!
Eh siguro, nakakapagtaka, bakit ang ibang tao, parang ampalaya kung maging bitter, hindi ba? Pero hindi naman siguro lahat ng bitter o ampalaya, ganoon na dati pa, yung iba kase, hindi ampalaya, kundi isang tao na puso ang pinalaya.
Hindi lahat, puro ampalaya sa mga relasyon, yung iba din kasi, nakaranas lang ng hindi maganda s amga nakalipas na taon, kaya naman, kahit na bitter sila o ampalaya ang pakikitungo nila, sa loob looban, mabuti ang hangarin nila, ito marahil ay kahit bitter sila, sa loob looban mabait sila, kapag lubusan na silang nakilala, gaya ng ampalaya, akala mo mapait, pero kapag nalaman mona, masustansya pala,
Sigurado ganun din ang mga bitter, hindi man maganda ang pagiging bitter nila, atleast sa loob looban, mabuti ang loob nila, diba?.()