Magandang Araw Steemians!
Hindi lahat sa atin ay nabibiyayaan ng isang taong magiging kasama natin sa panghabang buhay. Hindi rin lahat ay swerte sa pag-ibig. Gayunpaman tayong lahat ay mahal ng Diyos. Iba-iba man ang ating landas na tinatahak basta't hindi tayo nakakalimot sa Kanya, tayo ay magtatagumpay.
Sabi nila noon ang pag-aasawa ay isang malaking responsibilidad at kung hindi ka handa ay wag nalang pumasok pa. Sabi nila kung anuman problema ang meron ako ngayon ay mas hihigit pa kung ako ay mag-aasawa.
Sa kabila nun ay sinunod ko ang aking puso. Sa una pa ay pinangarap ko na ang magkaroon ng magandang pamilya.
Ako naman po ay nabiyayaan ng mabait at mapagmahal na asawa at ngayon ay nagkaroon pa ng magandang bunga, ang aming anak.
Hindi ko masasabing eksperto na ako dahil hindi pa nga naman umaabot ng sampung taon ang aming pagsasama. Pero hindi naman pala basehan ang ganyang tagal ng pagsasama para masabing ekperto. Hindi naman lahat kasi ng pagsasamang matagal ay panghabang buhay na.
Sa aking karanasan ay masasabi kong masarap na mahirap ang buhay may asawa. May mga masasayang araw at mayroong nakakalungkot. Mayroong panahon na magkasundo pa kayo, pagkalipas ng ilang sandali nagkatampuhan na.
Pero lahat ng ito, positibo o negatibo man ay parte ng isang relasyon. Ang importante ay nagdadamayan sa lahat ng bagay, nagkakaintindihan, magkasamang lumulutas ng problema at anumang sigalot ay nagkakapatawaran sa huli.
Marami pang problema ang haharapin, marami pang luha, marami pang hirap, marami pang pagsubok na kailangan malampasan. Kapit lang, walang iwanan. Hindi dapat ito ang magiging dahilan sa pagkasira ng pagsasama.
Maraming tukso ang darating na susubok sa katatagan ng pag-iibigan. Ngunit kung may pananalig sa Diyos ay walang sino man ang makakapaghiwalay sa dalawang taong tunay na nag-iibigan.
Atin pong tandaan na ang pag-aasawa ay handog ng Diyos sa dalawang taong nag-iibigan. Pag-ibig ang dahilan ng halat. Kung anumang pagsubok dumating sa mag-asawa ay dapat magkasama itong hinaharap.
Pakatandaan din po natin palagi ang mga binigay nating pangako na iibigin habang buhay, sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa, magsasama hanggang sa buhay na walang hanggan.
Manalig at maging sentro ang Diyos sa pagsasama!
Maraming Salamat Po!
Be grateful even in small ways. Share now your #gratefulvibes story. Join the community by
.
P.S. support Sir Terry by voting
as a witness.
Visit https://steemit.com/~witnesses then type "steemgis"
Spread Love!