Ang paglisan mo
ay malupit na panaginip
na gumising sa aking nga ala-ala
kahit ang kalangitan
nakiisa sa aking mga hinagpis
makisig ang araw noon
ngunit tumangis
at ang aming mga luha
ay naging malakas na daloy
hinanap kita sa mukha ng buwan
sa sinag ng mga bituin
sa hampas ng alon
kahit sa mahinang ihip ng ĥangin
ngunit hindi kita matagpuan
ang paglisan mo
ay katulad ng mga tuyong dahon
na tinangay ng alapaap
katulad ng mga huling araw ng tag-init
na dagling pinalitan ng malapot na tag -ulan.