Sariling Oil Field ng Pilipinas, Pormal ng Binuksan ni Pangulong Duterte
Pinangunahan ni pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubukas ng 42,749 hektaryang Algeria Oil Field sa Cebu para sa commercial production.
Ayon sa naging ulat ng MANILA BULLETIN na nakuha nilang inpormasyon mula kay Department of Energy (DOE-7) OIC-Regional Director Engr. Saul Gonzales, ang lungsod raw ng Algeria na matatagpuan sa Cebu ay may deposito ng crude petroleum at gas. Nasa 9.42 billion cubic feet ng natural gas reserves mayroon ang nasabing lugar habang nasa 27.93 million barrels of oil (MMBO) naman sa crude petroleum.