Katha ni:
Dinaramdam ng iyong puso ang pag ibig na sawi.
Di makatulog sa araw at gabi,
At iniisip lagi kung bakit ito sayo ay nangyari.
Bakit lagi ka na lang lumuluha.
Kaya sa langit ikaw ay napapatingala,
At nagtatanong sa Kanya,kung mayroon pa bang himala.
Halos sa sakit nito ay isumpa mo ang langit.
Minsan ang iba ang mga ngipin ay nagngangalit,
Dahil sa kabiguang na kanilang nakakamit.
Sa mga taong matapang at matitibay ang loob.
Kadalasan ito ay nagiging inspirasyon at determinasyon,
Upang ipagpatuloy ang nasimulang bokasyon.
Huwag kang paghinaan ng loob,dapat ay lumaban ka.
Kumapit sa Diyos at manampalataya,
Dahil ibubuhos Niya sa takdang panahon, and masaganang pagpapala.