Logo
DiscoverWavesDecks
Plus
Signup

Sa Pag-ikot ng Mundo (Malayang Taludturan)

chadrona(65)
Published in
#esteem
Words
0
Reading
0 min
Listen
Play
2019-11-22 11:17

"Sa Pag-ikot ng Mundo"


Umidlip kang umiiyak at bigo
Subalit pagdilat mo'y nagbago ang mundo
Puso ay naguguluhan at natutuliro
Bakit kaybilis ng pag-ikot ng mundo?

Sa isang iglap iba na ang nakikita mo
Para bang enkantong nangugulo
Sa mundong kaybilis kung magbago
Saan tayo pupunta, saan patutungo?

Ang nakikita ng mo'y biglang mag-iiba
Kaya siguraduhing bukas yaong mata
Sa bilis ng pag-ikot baka tayo'y madapa
Sa pagmamadali'y wala tayong mapala

Ang bigo'y umidlip ng nakatingala
Ngunit sa pagdilat ay iba na ang nakita
Guni-guni, tayo'y may nakikita
Parang ang mundong kaybilis mag-iba

—

decorative-2773445_1280.png

Image Taken From Pixabay [1]

decorative-2773446_1280.png

footer chadrona.jpg


Feel free to #follow #upvote #resteem #comment

esteem
poetry
life
steemit
writing
2019-11-22 11:17
chadrona(65)
via esteem
This post was published via esteem. Ecency is not the originator or editor of this content and displays it for discovery purposes only.
$ 0.286
17