Sapagkat ang paksa ko ay tungkol sa larong Pinoy, eto po ang unang pagkakataon na gagamitin ko ang aking sariling wika sa paggawa ng artikulo.
Isa nanaman pong masayang linggo ang naganap kagabi. Ako ay muling sumali sa Pinoy Henyo sa Discord. Kahit na akoy kulang na kulang sa tulog at inaantok na, di ko pa rin pinalagpas ang laro.
Mas madami ang mga naglaro kaysa nung nakaraan. Ang bago kong nakilala ay si manong na aking kababayan,sya ay taga Pangasinan din. Pati na rin si
na tinatawag nilang doc. Kinagagalak ko po kayong makilala.
Sa unang round ng laro, ako po ay naka-isang puntos lamang. Sa ikalawa, ako'y nakatsamba at nakasagot ng dalawa. Karamihan sa mga pinahulaan ay lugar. Inaamin kong mahina ako pagdating sa ganoong kategorya. Sa bandang huli ay hindi pa rin natinag ang aming master na kung tawagin ni boss ay boss iyan mapagmahal.
Sa susunod ulit na laro, maraming salamat po.