PILIPINAS, MALIGAYANG PAGDIRIWANG SA ATING KALAYAAN!
Nasaan ang aking kalayaan? Akoy nakagapos sa katayuan Nakatira sa Ibang bayan Dahil akoy walang laya sa kahirapan Pikit mata, sa ilalim ng puso ko, akoy nag alinlangan
Oras ng aking pagtulong ay ko hawak Oras sa pagtatrabaho walay laya inigawad Dahil akoy alipin ng mga banyaga Walang laya sa lahat na mga ginagawa Ilong koy hawak Nila saan ako pupunta?
Kailan ko ba makamit ang tunay na diwa? Kalayaan ng taong nabubuhay na dukha Nakadikit pa rin sa aking mga mukha Di maiwasan ang pangangamba Makayanan ko pa ba hanggang sa pag tanda?
Ano ba talaga ang kahulugan ng isang kalayaan? Sa pag ibig akoy sawing palad SA katayuan ng buhay, akoy walang saysay Nag iisa sa aking pagtulog at pagising Tanong ko, ito nga ba ang KALAYAAN?
Kung ito man ang uri ng aking kalayaan Ipaubaya ko lahat sa sanlibutan Ipatuloy ko pa rin ang diwa ng saya Kalimutan ang lungkot na nagdudulot Makakamit ang tunay na Paglaya
Jejejeje, natapos din Pala!
Kathang isip ni Nanay Deevi
Maraming salamat sa pagbasa