Sa ngayon ay panahon na ng anihan ng mais para sa mga magsasaka na may pananim na mais, ganito ang mga eksena na makikita dito malapit sa aming tahanan. Sila ay abala sa pagtitilyar ng kanilang ani para maibenta na ito sa mga buyer.
Nagkukumahog sila dahil malapit na ang (holy week) simana santa at malamang ang mga mamimili ay hihinto muna sa pagbili di kaya ay marami ang sarado sa mga susunod na linggo dahilan sa pagngilin.
Kalahati po niyan ay hindi sa amin
Ganito din ang makikita sa aming sakahan di pa matapos tapos maani ang aming mga mais dahil halos wala pang tao na pwede bayaran para tumulong dahilan sa halos lahat ay sabay na sa pag ani sa ngayon. Sana lang huwag muna umulan at ng hindi mabasa ang mga anihin para sa ganun hindi na naman malugi ang mga magsasaka na tulad namin. Karamihang magsasaka ay sa UTANG nagsisimula.